Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paghahagilap ni Coco sa mga artistang ‘di na aktibo, kahanga-hanga

HALATANG pilit na pilit ang pagjo-joke nina Angeline Quinto at Janno Gibbs sa eksena nilang ipinakita sa FPJ’s Ang Probinsyano habang seryosong nag-uusap sina Lito Lapid at Coco Martin.

Pilit na sumisingit sina Angeline at Irma Adlawan na kontra kina Lito at Coco dahil mukha silang mahihirap na makikitulog lamang sa dating kasamahang si Rico Puno,

Naimbudo ang mga tagahanga nang pakainin ng sinigang na ulam sina Lito at Coco na nilagyan ng maraming sili.

May nagtatanong, kailangan ba silang magpatawa gayung hindi naman pinapansin nina Lito at Coco?

Samantala, ipinasok din ang karakter ni Ernie Garcia na umaagaw ng eksena sa durable actor na si Lito.

Nakakahanga talaga si Coco kung paano niya nahahagilap ang mga artistang bibihira nang mapanood.


ANEURYSM, WALANG
PINIPILING EDAD

DAHIL sa biglaang pagkamatay ni Isabel Granada dahil sa aneurysm, naging trending tuloy ang pag-iingat kung paano maiiwasan ang aneurysm.

Walang pinipiling edad ang sakit na iyon kesehodang sikat o sobrang ganda o pogi. Mayaman o mahirap, hindi ka sasantuhin ng sakit na iyon.


ANNE, AYAW
SA KASALANG
MALA-KARNABAL

NAGTATAKA ang fans ni Anne Curtis kung bakit sa New Zealand ginawa ang kasal.

Ayaw daw bang maging karnabal ng aktres ang kasal nila ni Erwan Heussaff?


EMPRESS, NAGKAMAL
NG SALAPI DAHIL
KAY CELINE DION

NAKATUTUWA naman si Empress Schuck, hindi naman siya singer pero alam lahat ang lyrics ng mga kantang pinahulaan sa sinalihang All Star Videoke sa Kapuso Network.

Dahil sa awiting My Heart Will Go On, kumita siya ng almost P150,000. Nagkalaban sila ni Jason Francisco, kapwa dating taga- Kapamilya.

Nagtataka ang marami kung bakit lumipat kapwa sina Empress at Jason?

Well, may kasabihan, where the grass is greener doon tayo dapat or else…

SHOWBIG
Vir Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vir Gonzales

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …