Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Hubert, inaming nagtampo kay Isabel, ikinatuwa ang pagiging kamukha ng ina
Hubert, inaming nagtampo kay Isabel, ikinatuwa ang pagiging kamukha ng ina

Hubert, inaming nagtampo kay Isabel, ikinatuwa ang pagiging kamukha ng ina

NAI-CREMATE na kahapon ng hapon ang labi ni Isabel Granada sa Arlington Memorial Chapels.

Pero bago ito, sa ikatlong gabi ng lamay, nagkaroon ng Eulogy na inumpisahan muna ng isang misa. Pagkatapos ay ang Eulogy na pinangunahan ng mga kaibigang sina Shirley Fuentes, sinundan ni Chuckie Dreyfus at pagkaraan ay ang partner na si Arnel Cowley.

Isinunod naman ang nag-iisang anak na si Hubert na bago magsalita ay kinantahan muna ang kanyang ina.

READ MORE:  Angeline, ginagamit si Erik sa promo ng album

Madamdamin ang kinanta ni Hubert kaya marami ang agad na nabagbag ang damdamin.

Sa Eulogy ng anak, inilabas nito ang matagal na niyang kinikimkim na tampo sa ina. Ang akala niyang pinabayaan siya nito.

Nag sorry din ito sa ina at sinabing mamas boy siya.

Inihayag din nitong dalawang beses siyang iniwan ng ina, noong naghiwalay ang kanyang Mama at Papa at ngayong lumisan na ito ng tuluyan.

READ MORE:  Sikreto sa portrayal ng tatlong karakter sa “The Blood Sisters” ibinunyag ni Erich Gonzales

Pangako ni Hubert, “Ma, ipagpapatuloy ko ang legacy mo na mag-aartista. ‘Yung pagtuturo mo sa akin na kumanta, ang pagiging singer, ipagpapatuloy ko.”

Ikinatuwa naman niya ang pagiging kamukha niya ni Isabel.

“Hindi ko akalain na mangyayari ito (pagkamatay ng ina),” sambit pa ng anak.

Nagbigay din ng dalawang kanta si Aiza Seguerra, ang Kahit Isang Saglit at Gone Too Soon.
I Aiza, parehong school ang kanilang pinag-aralan, “Siya ang ate na maalaga, totoong tao. everytime I see her she’s always very warm and real and ‘yung ngiti laging nariyan. Lagi n’yang ipinararamdam na tuwang-tuwa siya kapag nagkikita kami.

READ MORE:  Mag-ingat sa mga sakit sa balat kapag umuulan at bumabaha

“Nawalan ang lahat nang mawala sya. Sana hindi mawala ang magaganda niyang nagawa,” giit pa ni Aiza.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved