Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 2 kawatan nabuking sa ninakaw na kuwintas
2 kawatan  nabuking  sa ninakaw na kuwintas

2 kawatan nabuking sa ninakaw na kuwintas

DALAWANG hinihinalang magnanakaw ang dinakip nang makita ng biktima na suot ng isa sa kanila ang nawawala niyang kuwintas sa Valenzuela City, kamakalawa.

Kinilala ni Valenzuela police chief, Sr. Supt. Ronaldo Mendoza, ang mga suspek na sina Romeo Oganon, Jr., 24, at Neil Hagutin, 32, kapwa residente sa Tatalon St., Brgy. Ugong, ng nabanggit na lungsod.

READ MORE:  Koop ni Bro. Mike, kabahayan ng 36 pamilya nasunog sa P’que

Sa imbestigasyon nina PO3 Robin Santos at PO2 Regor Germedia, dakong 8:30 pm nang madiskobre ng biktimang si Reme Angelie Qiu, 26, businesswoman, na nilooban ang kanyang bahay sa Mindanao Avenue Extension, Brgy. Ugong, sa pamamagitan nang pagwasak ng bisagra ng pintuan.

READ MORE:  Ex-vice mayor sa Bulacan utas sa ambush

Natuklasan din niyang nawawala ang kanyang mga gatas, silver na kuwintas at coin banks na naglalaman ng hindi kukulangin sa P30,000 cash.

Kinaumagahan dakong 6:30 am, nakita ni Qiu ang kanyang nawawalang kuwintas na suot ni Oganon kasama si Hagutin, dahilan upang humingi siya ng tulong sa mga tauhan ng PCP 8, nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

READ MORE:  Binatilyo, 5 pa sugatan sa hit & run

Narekober kay Oganon ang silver na kuwintas ng biktima habang nakuha kay Hagutin ang dalawang beer brand na gatas at pocket wifi na pag-aari ni Arnold Dela Cruz, 31, stay-in sa bahay ni Qiu. (ROMMEL SALES)

COMMENTS

About Rommel Sales

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved