Thursday , October 9 2025

PAF nagpugay sa pagdating ni Isabel Granada

ISANG funeral honor and service ang inihandog para sa yumaong aktres na si Isabel Granada ng Philippine Air Force, ito ay pagpupugay sa kanya bilang isang dating PAF reservist.

Sinabi ng pamunuan, lubos ang pagdadalamhati ng PAF, at nakikiisa sila sa pamilya at mga kamag-anak ng aktres sa kanilang kalungkutan.

“The Philippine Air Force would like to express its profound sorrow and heartfelt condolences to the bereaved families and loved ones of Filipina celebrity and PAF reservist, Ms. Isabel Granada,” pahayag ng PAF.

“During this time of mourning, we, the men and women of the PAF share the sense of grief and great loss of Ms. Granada and we wish to pay tribute to this great woman who has achieved so much in her life.”

“To show our final respect to Ms Granada, we will extend a funeral honor and service for her remains as PAF’s way of demonstrating its concern for the welfare of its personnel.”

Noong 2001, naging miyembro si Isabel ng PAF sa pamamagitan ng Direct Enlistment Program, siya’y na-assign sa Air Force Special Service Group at nabigyan ng Air Force Specialty Code skill in recreation para sa volleyball.

Naging Airwoman si Isabel, at na-promote pa sa Airwoman Second Class.

“She spent a year as an active PAF enlisted personnel as part of the PAF Women’s Volleyball team and opted to remain as a reservist where she continued her support by willingly performing, hosting, and lending her celebrity status to draw crowd in PAF events. Her proper demeanor, both as a celebrity and an aviation enthusiast, also contributed to the PAF’s public image by virtue of her reservist status, which she had proudly admitted.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Joey Salceda

Salceda sa Bangkok Climate Talks delegates: Nahigitan pa ng  Pilipinas ang pangako nitong lumipat sa “Renewable Energy”      

IPINAGKAPURING ipinahayag ni dating Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda sa mga delegado sa ‘High …

PSC Elite Link

PSC at Elite Link, inilunsad ang Digital Platform para Suportahan ang mga Atletang Pilipino, Simula sa Batang Pinoy

INILUNSAD ng Philippine Sports Commission (PSC), katuwang ang Elite Link, Inc., ang Elite Link—isang makabagong …

SM Super Spelling Bee 2025

SM Super Spelling Bee 2025: Young Word Wizards Shine at the Grand Finals

AFTER months of grueling eliminations held across the country, the nation’s most talented young spellers …

Dapat may managot sa palpak na P47-M flood control project sa Laoag - Gabu residents

Dapat may managot sa palpak na P47-M flood control project sa Laoag – Gabu residents

LAOAG CITY- Nagdulot ng matinding pagkadesmaya at tanong sa publiko ang biglaang pagguho ng bagong …

bagyo

Meralco nakatutok sa epekto ng bagyong Paolo

NAKAANTABAY at handa ang pamunuan ng Manila Electric Company (Meralco) na magresponde kapag nagkaaberya sa …