Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 1 tigbak, 1 sugatan sa trailer truck
1 tigbak, 1 sugatan  sa trailer truck

1 tigbak, 1 sugatan sa trailer truck

BINAWIAN ng buhay ang isang babae habang sugatan ang kanyang kinakasama nang masagasaan ng trailer truck ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa Brgy. Talipapa, Quezon City, nitong Lunes ng gabi.

Hindi umabot nang buhay sa pagamutan si Maribeth Barde habang ang kanyang live-in partner na si Cris Bernal ay kasalukuyang inoobserbahan.

READ MORE:  4 hepe ng pulis sa Calabarzon sinibak ni Bato sa illegal gambling

Ayon kay PO3 Andy Sotto ng Quezon City Police District Traffic Sector 6, sumalpok ang motorsiklong sinasakyan ng mga biktima nang bumukas ang pintuan ng isang AUV.

READ MORE:  11 packs ng shabu kompiskado sa babaeng Intsik sa MCIA

Tumalsik ang mga biktima at nasagasaan nang dumaraang trailer truck.

Papunta sa Balintawak ang mga biktima nang mangyari ang insidente dakong 8:20 pm habang binabaybay ang Quirino Highway.

READ MORE:  Bagets na akyat-bahay gang timbog

Parehong nakakulong ang driver ng AUV na si Raymond Sevilla at ang driver ng trailer truck na si Jaime Gutang.

Nahaharap sila sa kasong reckless imprudence resulting in homicide, physical injuries, and da-mage to property.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved