Friday , September 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Mami Guapa, ‘di kayang makita si Isabel na nasa kabaong
Mami Guapa, ‘di kayang makita si Isabel na nasa kabaong

Mami Guapa, ‘di kayang makita si Isabel na nasa kabaong

LINGGO  ng gabi dumating ng ‘Pinas ang mag-lolang Hubert at Mami Guapa Castro (anak at ina ni Isabel Granada) kasabay ang dating asawa ng aktres na si Jericho Aguas mula sa pagbisita kay Isabel Granada sa Doha, Qatar. 

Sa Huwebes naman ang dating ng bangkay ni Isabel. Ang asawang si Arnel Cowley ang nag-aasikaso sa bangkay ng aktres sa Qatar. 

Ayon sa isang insider, naayusan na si Isabel at napakaganda nito.

Sinabi naman ni  Rommel Placente, datinf publicist at kaibigan ng mag-inang Isabel at Mami Guapa na sumundo noong Linggo sa NAIA, hindi pa rin tanggap ng ina ng aktres ang pagkamatay ng anak.

Ani Mommy Guapa, ”Hangga’t maaari, ayaw ko iburol kasi ayaw kong makita si Isa sa kabaong,” kuwento ni Placente.

“Kaya ipaki-cremate si Isabel,” dagdag pa ni Placente.

 Kung ating matatandaan, pumanaw si Isabel noong Sabado ng gabi, matapos ang dalawang linggong pagka-comatose.

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved