Friday , October 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ikalimang anak ni Ogie, miracle baby
Ikalimang anak ni Ogie, miracle baby

Ikalimang anak ni Ogie, miracle baby

MIRACLE baby kung tawagin ng kaibigan at kumpareng Ogie Diaz ang latest addition sa kanyang mga supling.

Meera Khel (obviously from the word “miracle” is Ogie’s fifth daughter with Georgette.) Sa mga hindi nakaaalam, apat na buwan ding namalagi sa incubator ang kapapanganak pa lang noon na unnamed infant.

Isang ordeal ‘yon na kung tutuusi’y hindi deserved ng isang newborn baby, pero totoong may mga himala sa ating buhay. Buong pagmamalaking karga-karga ni Ogie si Meera, ang bunso sa limang sisterakas.

READ MORE:  Mga katapat na show ng Showtime, pinadapa! (Dahil sa mga T-Boom…)

Tandang-tanda pa namin noong mga panahong nasa pangangalaga pa si Meera ng aparato. Sa bawat raket na nagkakamayroon si Ogie ay abot-abot ang kanyang pasasalamat dahil diretso ‘yon sa mga gastusin sa ospital.

READ MORE:  John Arcilla, may pakiusap para sa Birdshot

Ogie’s hard work—idagdag pa ang taimtim na panalangin ng kanyang buong pamilya—paid off. Maayos nang lumalaki ang kanilang cute and adorable bundle of joy ni Mareng Georgette.

Kapaniwalaan na sa atin na kapag mga babae ang anak ng isang tatay, ang tawag sa kanila’y pambayad-utang for the sins of the father.

READ MORE:  Direk Julius, proud na maikompara ang Deadma Walking sa Die Beautiful

Karaniwan itong idinikit sa mga palikero o chickboy na ama.

Of course, for every rule—or superstitious belief for that matter—there’s always an exception. Kailan pa kasi naging chickboy ang may-akda ng Pak! Humor (Life Is Short Kaya Huwag Kang Nega)?

Puwede ba, boy na naging chick…charot! 

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved