Friday , April 26 2024
blind item woman

TV host actress, sabik na sabik lumafang with matching unli rice

MAY biro which goes this way, “Tulog nang tulog, puyat. Kain nang kain, payat.”

Ganito kung ilarawan ng mga nakakasabay niyang kumain ang isang TV host-actress na hindi naman nadaragdagan ang timbang pero kung lumamon ay parang hindi na darating ang bukas.

“’Sinabi mo pa!” tsika ng aming source, “Teka, babae nga ba siya, eh, kung lumafang, para siyang may bitukang lalaki! Mismo kasing mga nakakasabay niyang production staff ang nagsasabing parang gutom na gutom siya kapag nasa harap na ng pagkain.

Getlak nang getlak ng lafez, ma-sight-sight mo na lang, eh, gabundok na ‘yung nasa pinggan niya! At ang da height, may I ask pa siya ng extra rice roon sa waiter, eh, ang dami-rami na ngang kanin ang nilafang niya! Pero kung titingnan mo naman ang katawan niya, iisipin mo pa ngang anorexic beauty ang lola mo! Ang pot…h, ‘P.G.’ pala!”

Da who ang TV host-actress na wala yatang makain sa baler nila kaya sabik na sabik sa mga lafang with matching unli rice pa na ayaw ni Senator Cynthia Villar? Isyogo na lang natin siya sa alyas na Connie Gonzales.

(Ronnie Carrasco III)

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *