Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Lisensiyadong boga 15 araw bawal dalhin (Kahit may permit to carry)

Lisensiyadong boga 15 araw bawal dalhin (Kahit may permit to carry)

KALAHATING buwan hindi puwedeng dalhin ang mga lisensiyadong armas sa labas ng tahanan sa Metro Manila at Region 3, bilang paghihigpit sa seguridad sa pagdaraos ng 31st ASEAN Summit sa susunod na buwan sa bansa.

“The Chief PNP has already approved the suspension of permit to carry firearms at least from November 1 to 15. That’s part of our target hardening measures actually,” ayon kay NCRPO chief Director Oscar Albayalde sa press briefing sa Palasyo kahapon.

READ MORE:  Katorse hinalay ng ama

Magsasagawa aniya ng police operations sa “crime-prone areas” gaya ng Parañaque, Quiapo at Baseco sa Maynila, at Maharlika sa Taguig City, bago at habang isinasagawa ang ASEAN Summit.

READ MORE:  Scholarship ibinigay ng Navotas sa 150 student-athletes

Magpapatupad aniya ng “lockdown” sa mga lugar na daraanan ng mga delegado, maging sa North Luzon Expressway upang maiwasang makasingit ang masasamang elemento.

READ MORE:  Sagot sa reporter ‘di personal attack kay Obama (Anti-US statement)

Paliwanag ng heneral, nananatili sa full alert status ang PNP mula nang Davao bombing incident noong nakalipas na taon.
Wala aniyang na-monitor na terror threat ang PNP sa panahon ng ASEAN Summit sa bansa.

ni ROSE NOVENARIO

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved