Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Cardo nakapuntos kay Alakdan sa kanilang pagtutuos sa “FPJ’s Ang Probinsyano”
Cardo nakapuntos kay Alakdan  sa kanilang pagtutuos  sa “FPJ’s Ang Probinsyano”

Cardo nakapuntos kay Alakdan sa kanilang pagtutuos sa “FPJ’s Ang Probinsyano”

MATIRA ang matibay kina Cardo (Coco Martin) at Alakdan (Jhong Hilario) dahil wala nang atrasan ang kanilang umaatikabong bakbakan sa nangungunang serye sa bansa na “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Sa paghaharap ng dalawa na napanood nitong Miyerkoles ay nakapuntos si Dalisay kay Alakdan kung saan nabaril nito sa tagiliran ang traidor na rebelde sa Pulang Araw.

Siguradong mas magiging maaksiyon pa ang bawat gabi ngayong alam na ni Cardo na sangkot si Alakdan sa pagkamatay ng kanyang anak matapos siyang pagdalhin ng bomba nang hindi niya alam upang patayin ang isang senador, gaya ng kung paano namatay si Ricky Boy.

READ MORE:  Jasmine, thankful na ‘di na-bash ng AlDub fans

Kaya naman sa pagbabalik ni Cardo sa Mt. Karagao, agad niyang haharapin ang grupo ni Alakdan, dala-dala ang poot at galit sa karumal-dumal na pagkamatay ng anak. Ano nga kaya ang kahahantungan ng kanilang laban? Maipaghiganti na nga kaya ni Cardo si Ricky Boy kay Alakdan at sa grupo nito na kinanibilangan ni Gagamba (Ronwaldo Martin)?

READ MORE:  MMFF entries, ibina-bargain

Samantala, patuloy sa pamamayagpag ang “FPJ’s Ang Probinsyano” sa national TV ratings, ayon sa datos ng Kantar Media. Nitong Martes (Oct, 24), nagkamit ang serye ng national TV rating na 41.2%, kompara sa katapat nitong “Super Ma’am” na nakakuha ng 17.6%. Pinag-uusapan din ito sa social media sa pagiging trending topic ng palabas gabi-gabi at paglikom ng libo-libong tweets.

READ MORE:  Gretchen tinarayan ang netizen!

Huwag palampasin ang maaaksiyong tagpo sa nangungunang serye sa bansa na “FPJ’s Ang Probinsyano,” gabi-gabi sa ABS-CBN at ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa past episodes ng program, pumunta sa iWanTV at sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

COMMENTS

About Peter Ledesma

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved