Sunday , October 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / ‘Papogi’ ng BJMP isang malaking drawing?!
‘Papogi’ ng BJMP  isang malaking  drawing?!

‘Papogi’ ng BJMP isang malaking drawing?!

MAGKAKASUNOD na araw na nabasa natin sa mga pahayagan na naglunsad umano ng “Operation Galugad” ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Nakakompiska umano sila ng iba’t ibang klaseng kontrabando kabilang na ang mga cellphone, android etc.

Sa totoo lang, hindi naman nakapagpupuslit ang mga preso ng ganyang gadget sa loob ng kulungan.

READ MORE:  Remate photog sinapak ng barangay kagawad sa Paco

‘Yan ba namang higpit ng BJMP jailguards makalulusot ang mga preso?!

Baka hindi alam ng BJMP director na mismong mga tauhan nila ang may iba’t ibang raket at ang pinagbebentahan ay mga preso!?

Sabi nga ng mga mapagkakatiwalaang source, diyan sa BJMP detention cells, ang pinakamahinang klase ng cellphone ay P20,000 ang bentahan. Kahit kanino ninyo itanong, ang mga preso ay pinagkakakitaan ng mga guwardiya nila.

READ MORE:  P150-M visa raket sa BI SM Aura!? (ATTENTION: SoJ Menardo Guevarra)

BJMP chief, C/Supt. Deogracias Tapayan, please lang po tigilan na ninyo ang pagpapapogi dahil alam naman ng publiko na hindi totoo ‘yan.

Pero kung seryoso kayong linisin ang BJMP, una ninyong imbestigahan ang inyong mga tauhan!

READ MORE:  Mga bagman at 1602 cops kalat pa rin sa Maynila (Attn: MPD DD Gen. Rolando Asuncion)

Ginawa nilang ‘merkado’ ang mga preso.

Sang-ayon ka ba BJMP Bicutan deputy warden C/Insp. Meriado!?

‘Yun lang!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap
COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved