Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Mula sa Marawi City PNP-SAF mainit na sinalubong sa Camp Bagong Diwa

Mula sa Marawi City PNP-SAF mainit na sinalubong sa Camp Bagong Diwa

NAGMARTSA ang 300 miyembro ng elite group ng Phi-lippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF), na mula sa pakikipagbakbakan sa Marawi City, mula sa Gen. Santos Avenue patungo sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City, at sinalubong ng kanilang mga kasamahan at mga estudyante bilang pagbibigay-pugay sa kanilang kabayanihan. (ERIC JAYSON DREW)

MAINIT na sinalubong ang pagdating sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City ng 300 miyembro ng elite group ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) mula sa pakikipagbakbakan sa grupo ng mga teroristang Maute sa Marawi City.

READ MORE:  Pagpaslang sa Lumad talamak sa Mindanao (Bunyag ni TG)
READ MORE:  PCGG, OGCC ‘binuwag’ sa House panel (OSG pinalakas)

Bandang 2:00 pm nang salubungin ng kanilang mga kasamahan at mga estudyante ang mga bayaning sundalo na lumaban sa mga tero-ristang Maute.

READ MORE:  MNLF gagamitan na ng pwersa — Palasyo

Bilang solidarity march at pagbibigay-pugay sa kanilang kaba-yanihan, nagmartsa sa kahabaan ng Gen. Santos Avenue hanggang sa gate ng Camp Bagong Diwa ang nasabing PNP-SAF troopers.

Naging masaya ang pagsalubong ng kanilang mga kasamahan, na nilahukan din ng iba’t ibang sektor partikular ng mga estudyante sa Taguig City.

(JAJA GARCIA)

COMMENTS

About Jaja Garcia

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved