Monday , November 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Dramatic actor, hinagisan ng shaving cream ang inutusang reporter
Dramatic actor, hinagisan ng shaving cream ang inutusang reporter

Dramatic actor, hinagisan ng shaving cream ang inutusang reporter

MASELAN pala sa good grooming ang mahusay na dramatic actor na ito.

Tsika ng aming source, ”Tandang-tanda ko pa ang temper tantrums ng lolo mo! Noon kasing kinaray-karay niya ang isang reporter sa Australia, nakalimutan ng aktor na ‘yon na isama sa bagahe niya ‘yung pang-shave  niya.”

READ MORE:  Daniel, nanawagan sa mga botante: kilalanin ang ating susuportahan (Artists for Mar, sinuportahan ng naglalakihang artista)

Nadala naman ng actor ang kanyang pang-ahit, kaya nagpabili na lang siya roon ng shaving foam (hindi cream, ha?) doon sa reporter.

“Siyempre, that day, eh, may dadaluhang event ang actor kaya kailangan niyang magpapogi. Dahil lumalabas na sa mukha niya ‘yung bigote’t balbas na kailangang ahitin ay inutusan niyang bumili sa pinakamalapit na convenience store ang beking reporter.

READ MORE:  Arjo at Yen, nagkaibigan sa maling panahon

“Kaso, ang nabili niyong baklita, eh, shaving cream, hindi pala ‘yun ang ipinabibili sa kanya ng lolo mo. Hayun, pagkaabot na pagkaabot ng reporter ng cream , eh, imbiyernang inihagis ‘yon ng actor. Mabuti’t nakailag ang kawawang baklita!”

READ MORE:  Isabelle, nahirapang ‘akitin’ si Gerald

Da who ang mahusay na aktor pero tinotopak din pala? Itago na lang natin siya sa alyas na Jun-Jun Ramirez. 

(Ronnie Carrasco III)

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved