Friday , September 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Mga natatagong lihim ng mga kilalang personalidad, ibubuking ni William sa Spotlight
Mga natatagong lihim ng mga kilalang personalidad, ibubuking ni William sa Spotlight

Mga natatagong lihim ng mga kilalang personalidad, ibubuking ni William sa Spotlight

INILUNSAD kamakailan ng UNTV ang programang Spotlight na magtatampok kay multi-awarded broadcast journalist na si William Frederick Silvestre Thio o mas kilala bilang William Thio.

Si Thio ay isa ring experienced news anchor at talk show host. Napanood na si William sa ilang mga programa tulad ng At Your Service at sa long term public service show na Damayan. 

Sa Spotlight, mapapanood siya tuwing Sabado, 4:30 hanggang 5:00 ng hapon. Mapapanood na ito simula Oktubre 27.

Bibigyan ng behind-the-scenes look ng Spotlight, ang latest feature program ng UNTV, ang buhay ng mga kilalang personalidad sa lipunan.

Layunin din ng Spotlight na silipin at bigyan ang viewers ng mga hindi pa nila nasisilayang parte ng buhay ng celebrities at mga prominenteng tao sa iba’t ibang industriya na magbibigay linaw sa naging agos ng kanilang buhay.

Kumbaga, ipakikita ng Spotlight na maging ang mga sikat na personalidad ay may mga kaugalian, habits, at hilig din na tulad ng sa mga ordinaryong mamayan.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved