Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Komedyanteng beki arestado sa hipo
Komedyanteng beki arestado sa hipo

Komedyanteng beki arestado sa hipo

NAHAHARAP sa kasong act of lasciviousness ang isang komedyanteng beki makaraan halikan, yakapin at hipuan ang maselang bahagi ng katawan ng isang bell attendant ng sikat na casino hotel sa Parañaque City, nitong Linggo ng hapon.

Nasa kustodiya ng pulisya ang inireklamong komedyante na si Ronnie Arana alyas Atak, 45, ng 12 New Manila, Quezon City.

READ MORE:  Nigerian ambassador nais ng mas malapit na ugnayan sa ‘Pinas

Habang kinilala ang nagreklamong biktima na si Mark Christian Macavinta, 21, bell attendant sa Okada Manila sa Brgy. Tambo, Parañaque City.

Base sa ulat kay Southern Police District (SPD) director, Chief Supt. Tomas Apolinario, Jr., nangyari ang insidente dakong 2:40 pm sa Entertainment City, Room 725 ng Okada hotel-casino.

READ MORE:  P2.606-T 2015 budget ihahain sa Kamara

Sa reklamo ni Macavinta sa Parañaque City Police, bilang bell attendant ay inasistehan niya si Arana sa complimentary room ng komedyante ngunit pagpasok niya ay isinara ng suspek ang pintuan ng silid, at pagkaraan siya ay niyakap, hinalikan at hi-nipuan sa maselang bahagi ng katawan. 

READ MORE:  ‘Salome’ magpapaulan sa South Luzon at Visayas

Ikinagulat ng biktima ang ginawa sa kanya ni Arana kaya’t nagpumiglas siya hanggang makawala.

Agad niyang ini-report sa security personnel ang insidente naging dahilan upang hulihin ng mga guwardya si Arana at dinala sa Parañaque City Police.

(JAJA GARCIA)

COMMENTS

About Jaja Garcia

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved