Friday , September 21 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Kagawad patay, 4 sugatan sa nasunog na kotse (Bumangga sa poste ng Meralco)
Kagawad patay, 4 sugatan  sa nasunog na kotse (Bumangga sa poste ng Meralco)

Kagawad patay, 4 sugatan sa nasunog na kotse (Bumangga sa poste ng Meralco)

PATAY ang isang barangay kagawad habang sugatan ang apat niyang mga kaanak nang masunog ang sinasakyan nilang kotse makaraan bumangga sa poste ng Meralco sa Pasay City, kahapon ng madaling-araw.

Namatay noon din sanhi ng matinding pinsala sa katawan ang biktimang si  Quirino Bulusan, Jr., 54, residente at kagawad sa Brgy. 299, Sta. Cruz, Maynila.

Habang nilalapatan ng lunas sa Pasay City General Hospital ang driver na si Diophel Morales, 21, estudyante; mga pasaherong sina Ricky Milan, 13; Diovani Ibañez, at Ron-Ron Cainap, magkakamag-anak at residente sa Sta. Cruz, Maynila.

Base sa ulat ng Pasay City Traffic Bureau, dakong 4:00 am nang mangyari ang insidente sa panulukan ng Atang dela Rama St., at Diokno Boulevard, sa harap ng The Amazing Show Building, ng naturang lungsod.

Habang lulan ang mga biktima sa grey Honda Civic, may plakang MHC 889, at binabaybay ang naturang lugar bigla itong bumangga  sa isang poste ng Meralco.

Bunsod nang pagkakabangga, nag-spark ang poste at sumabog naging dahilan upang masunog ang kotse.
Agad nakalabas ang apat biktima habang nakulong sa loob si Bulusan. (JAJA GARCIA)

COMMENTS

About Jaja Garcia

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved