Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Fight scene nina Coco at Jake, komplikado, kalidad ang hanap
Fight scene nina Coco at Jake, komplikado, kalidad ang hanap

Fight scene nina Coco at Jake, komplikado, kalidad ang hanap

PAREHONG magaling na actor sina Coco Martin at Jake Cuenca kaya naman asahan na natin ang mga de-kalidad na acting ang mapapanood sa kanila sa Ang Panday na handog ng CCM Productions at entry sa Metro Manila Film Festival.

Ayon kay Jake, bukod sa matinding acting, modernong istorya, matindi rin ang aksiyon sa Ang Panday lalo na ang fight scene nila ni Coco bilang sina Flavio at Lizardo.

READ MORE:  Sylvia, diet muna para sexy sa kasalang Maya at Ser Chief

May pagka-komplikado rin ang fight scenes ng dalawa dahil ang kalidad ang gustong maabot ni Coco. Kaya umabot sa dalawang araw ang shooting nito.

Puring-puri naman ang lahat kay Jake dahil talaga namang ibang klaseng acting din ang ipinakita ni Jake. Tamang-tama ngang ang actor ang kinuha parang maging Lizardo dahil ito lang talaga ang makapagbibigay ng justice sa karakter nito.

READ MORE:  Bagito nina Nash at Alexa, tuloy na sa Nobyembre 24

“Intense ang fight scenes, hindi ganoon kadali. Pinaghirapan namin ang fights scenes,” kuwento ni Jake.

Ayon sa kuwento ng production, kada-take ay sinusuring mabuti ni Coco ang bawat anggulo dahil nais ng director/actor na maging sulit at masiyahan ang mga manonood sa December 25.

READ MORE:  New infomercial ng MTRCB, subtle swipe sa mga kabit

“’Pag pinanood ng tao ito, makikita nilang ‘wow ibang experience ‘to,’” nasambit ni Jake dahil siya man ay humanga rin sa ganda at husay na ipinakikita ni Coco sa pagdidirehe.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved