Sunday , September 23 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Bautista pinalayas ni Digong sa Comelec

Bautista pinalayas ni Digong sa Comelec

PINAG-EMPAKE ora mismo ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte si outgoing Comelec Chairman Andres Bautista kahapon makaraan tanggapin ang kanyang pagbibitiw bilang poll body chief.

Sa liham na ipinadala ni Executive Secretary Salvador Medialdea kay Bautista dakong 2:00 pm kahapon, nakasaad na ang pagbibitiw sa puwesto ni Bautista ay “effective immediately.”

Matatandaan, nakasaad sa resignation letter ni Bautista na ipina-dala sa Palasyo noong isang buwan, na ang kanyang pagbibitiw ay ma-giging epektibo sa 31 Disyembre 2017.

Ang Comelec en banc ang pipili ng magiging kapalit ni Bautista.

ni ROSE NOVENARIO

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved