Friday , December 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Angel at Richard, tinilian sa ABS-CBN Kapamilya Thank You event
Angel at Richard, tinilian sa ABS-CBN Kapamilya Thank You event

Angel at Richard, tinilian sa ABS-CBN Kapamilya Thank You event

NAGKAROON ng ABS-CBN Kapamilya Thank You event sa Enchanted Kingdom nitong Sabado, Oktubre 14 at talagang hindi magkamayaw ang fans na dumalo dahil nakita nila ang kanilang mga hinahangaang artista.

Most applauded sina Angel Locsin at Richard Gutierrez bilang love team sa La Luna Sangre at may mga sumisigaw na  ’Chard-Gel.’

READ MORE:  Snooky, endorser na ng sabon

Ang iba sa mga dumalo ay supporters pa ng dalawa noong nasa GMA 7 pa sila as loveteam.

May nag-post nga na fan ni Angel ng, ”13 years ko siyang hinahangaan, pagkakataon ko ng mahawakan ang kamay niya,” sabay pakitang kinamayan siya ng aktres.

READ MORE:  Magandang aktres, ibang klaseng topakin kapag nagseselos

Wala naman ang KathNiel sa nasabing event dahil si Daniel Padilla ay may shooting ng The Revengers nila nina Vice Ganda at Pia Wurtzbach samantalang si Kathryn Bernardo naman ay may commercial shoot.

READ MORE:  Jodi, magbabalik-MMK

Namataan din si Maja Salvador para sa programa niyang Wildflower, Jason Dy, Young JV, Elmo Magalona, at Janella Salvador para sa ASAP at ang ilang miyembro ng Girltrends at Hashtags bilang representative ng It’s Showtime at ang mga taga-MOR radio show.

 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved