Thursday , December 13 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Migz, nagdatingan ang blessings nang humiwalay kay Maya
Migz, nagdatingan ang blessings nang humiwalay kay Maya

Migz, nagdatingan ang blessings nang humiwalay kay Maya

LAKING tuwa at excited si Migz Haleco na maging bahagi siya ng Himig Handog 2017. Siya ang interpreter ng kantang Bes mula sa komposisyon ni Eric de Leon.

Mukhang magaan ang pagsosolo niya dahil sunod-sunod ang mga proyekto niya. Noong una ay medyo nagtampo pa siya sa kanyang partner na si Maya na naghiwalay sila dahil noong una hindi niya alam na buntis na pala ito kay Geoff Eigenmann.

READ MORE:  James, hihiramin ni Alyssa kay Nadine

Pero ngayon kung tatanungin siya, mas gusto na rin niyang solo sa kanyang music career.

“Noong una, akala ko, excitement lang, pero ngayon, ramdam ko rin talaga ang pressure,” pag-amin niya sa nalalapit na grand finals night na magaganap sa Nov. 26.

READ MORE:  ToMiho, ‘di nagpatalo sa paramihan ng halikan kina Jake at Angeline

Para sa MOR’s Choice award, puwede n’yo nang iboto si Migz at ang kantangBes. Just text MORHHSONG2 to 2366.

READ MORE:  Maja, ibinuking na kinikilig sa kanya si Coco

Isa pang magandang ganap sa career ni Migz, mapapanood na siya sa ASAP. Kasama siya sa Jambayan with Inigo Pascual, Kaye Cal, Moira dela Torre, atZia Quizon.

Release na rin ang single niya sa Star Music entitled Pare Tama Na na bahagi ng MOR Bigaten.

(ROLDAN CASTRO)

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved