Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / James at Nadine, magtatapat sa Magpasikat ng It’s Showtime
James at Nadine, magtatapat sa Magpasikat ng It’s Showtime

James at Nadine, magtatapat sa Magpasikat ng It’s Showtime

INAABANGAN na ang gagawin ng JaDine (James Reid at Nadine Lustre) sa segment ng It’s Showtime na Magpasikat.
Isa sa malaking sorpresa sa It’s Showtime ngayong Oktubre ang gagawin ng dalawa sa Magpasikat Week at Let’s Celebr8, isang buwang selebrasyon para sa ikawalong anibersaryo ng It’s Showtime.
Sabik na sabik at very excited na nga  ang fans sa unang pagsabak nina James at Nadine na mapapanood sa October 16-21. 
Bongga rin ang tagisan ng ibang hosts sa paglalaban-laban ng Team Billy, Amy, at James; Team Vice, Jugs, at Teddy; Team Anne, Ryan, at Nadine; Team Vhong, Joey, at Mariel; at Team Jhong at Karylle na tiyak magpapahanga sa mga manonood. Meaning, magkalaban nga ang JaDine ngayon. 
Hindi rin papakabog sa pagpapakitang gilas at galing ang iba’t ibang Kapamilya stars na naging guest host nila, sa isang naiibang Magpasikat Week, na nagsimulang mapanood noong Oct. 9.

COMMENTS
READ MORE:  Ejay, pinainom ni Direk Malu ng suka para matutong umarte

About John Fontanilla

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved