Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 7-anyos nene niluray ng water boy
7-anyos nene niluray ng water boy

7-anyos nene niluray ng water boy

SWAK sa kulungan ang isang water delivery boy makaraan ireklamo ng panghahalay sa 7-anyos batang babae sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

Ayon sa biktimang si “Katrina” sa pulisya, hinawakan siya sa maselang bahagi ng kanyang katawan ng suspek na si Vincent Amor, 36, nang mag-deliver ng tubig sa kanilang bahay sa Barangay 12, kamakalawa ng hapon.

Dala nang labis na takot, hindi nakasigaw ang biktima at nang umalis ang suspek ay agad siyang nagsumbong sa kanyang mga magulang.

READ MORE:  6th ID chief ‘di nakalusot sa CA dahil sa Fallen 44
READ MORE:  May the people win – Chiz

Mabilis na humingi ng tulong ang mga magulang ng biktima sa mga barangay tanod na agad nagsagawa ng follow-up operation kasama ang mga pulis, na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

READ MORE:  3 PH branches nagkaisa kontra China

Sa simula, itinanggi ng suspek ang akusasyon ngunit kalaunan ay umamin din.

Nahaharap ang suspek sa kasong rape at child abuse.

(ROMMEL SALES)

COMMENTS

About Rommel Sales

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved