Saturday , September 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Imbestigasyon sa pagkamatay ng kapatid ni Nadine, ‘di maiiwasan
Imbestigasyon sa pagkamatay ng kapatid ni Nadine, ‘di maiiwasan

Imbestigasyon sa pagkamatay ng kapatid ni Nadine, ‘di maiiwasan

WALA na ngang duda. Hindi na masasabing fake news, ang balita na nag-suicide ang nakababatang kapatid ni Nadine Lustre. Wala silang statement tungkol doon at karapatan nila iyon. Sinasabi naman nilang sa palagay nila ay walang foul play dahil tiyak silang self inflicted ang pamamaril.
Hindi mo nga maitatago dahil sa messages sa internet, bukod pa nga sa may celebrities na kagaya ni Gary Valenciano na kumanta pa sa wake. Mayroon pang isang picture na may idinaraos na misa at mukhang nagbabasa ng readings si Nadine mismo.
Pero hindi nila maiiwasan ang imbestigasyon, dahil kahit na self inflicted ang nangyari, kailangang malaman din kung sino ang may-ari at kung saan nakuha niyong bata ang baril. May pananagutan pa rin ang may ari ng baril.

COMMENTS

About Ed de Leon

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved