Monday , November 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Maine at Sef, ’di pa rin tinatantanan ng bashers; totoong relasyon, sinisilip
Maine at Sef, ’di pa rin tinatantanan ng bashers; totoong relasyon, sinisilip

Maine at Sef, ’di pa rin tinatantanan ng bashers; totoong relasyon, sinisilip

ILANG buwan na rin naman iyang mga tsismis at nag-deny na rin naman sila pareho, pero ewan kung bakit nga ba ayaw pang tantanan ng mga basher sina Maine Mendoza at Sef Cadayona. Lumilitaw pa rin kasi ang mga tsismis at ilang sources na nagsasabing totoong may relasyon pa ang dalawa sa kabila ng kanilang denial.
Obvious na ang mga gigil na gigil sa mga kuwentong ganyan ay iyong mga Aldub fan na ang pakiramdam ay naaapi ang kanilang idol na si Alden Richards dahil ang kanyang ka-love team na si Maine ay may ibang gusto at sinasabing tunay na karelasyon. Ang nakapagtataka, wala naman sa kanilang nagba-bash kay Alden o sumisisi roon na baka ganyan ang nangyayari ay dahil hindi naman niya nililigawan nang totohanan si Maine.
Kung sabihin nga “it takes two to tango”. Unfair naman siguro kung maghihintay na lang nang maghihintay si Maine kung hindi naman siya diretsahang nililigawan ni Alden. Kung seryoso naman kasing pumoporma si Alden, napakalaki na ng kanyang advantage dahil tanghali pa lang ay kasama na niya si Maine araw-araw. Paano pa nga bang makaPapasok si Sef kung ganoon?
Kung totoo nga ang tsismis ng mga basher na nakasisingit ng panliligaw si Sef kay Maine, baka may pagkukulang din naman si Alden.
Basta ang paniniwala namin, walang mangyayari riyan sa patuloy nilang pamba-bash kina Maine at Sef. Imbestigahan din nila kung bakit para namang napakahinang manligaw ni Alden. Mukhang may problema rin naman sila sa bagay na iyon.
Isa pa, palagay naman namin nagagawa nina Alden at Maine ang trabaho nila bilang mga artista at magka-love team, bakit pa nga ba kailangang panghimasukan ng fans ang kanilang personal na buhay?

COMMENTS
READ MORE:  Ang Panday ni Coco Martin dinudumog ng mga bata (Ilan pang pelikula sa MMFF na palaban sa takilya pinangalanan na)

About Ed de Leon

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved