Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Female personality, may diperensiya sa isang vital organs
Female personality, may diperensiya sa isang vital organs

Female personality, may diperensiya sa isang vital organs

“TOP secret” na maituturing ng pamilya ang pagkakaroon ng matinding pinagdaraanan ang isa nitong miyembro.
Panimula ng aming source, ”Walang hindi nakakakilala sa female personality na ito, identified kasi ang name niya sa isang tanyag na male public figure. Pero bilang pagbibigay-galang na rin sa pamliya nila, sana’y malampasan ng babae ‘yung ang kanyang pisikal na dalahin.”
May diperensiya kasi ang isa sa mga vital organs ng babae, at kung agad maisasagawa ang operasyon ay malamang na mapahamak siya. ”Siya rin naman kasi ang may kasalanan, eh. Mayroon na namang donor ng organ na kailangan niya, pero kesyo may mga family issue raw muna siyang dapat resolbahin. At noong naayos na ‘yung sinasabi niyang problema, nagpatumpik-tumpik na naman siya. At saka na lang daw. Siya, rin, bukod sa mga anak na dapat niyang asikasuhin, eh, may mga apo na rin siya! Ewan ko ba sa kanya, marami namang pera ang pamilya niya pero ayaw magpagamot!”
Da who ang female personality na ‘yon na may katigasan din ang ulo kahit nakasalalay na ang buhay niya? Itago na lang natin siya sa alyas na Henriette Arnibal. 
(Ronnie Carrasco III)

COMMENTS
READ MORE:  Toni, nina-nag ni Direk Paul ‘pag late nang nakauwi

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved