Sunday , September 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Petite actress, kilala sa pagiging Bilmoko girl
Petite actress, kilala sa pagiging Bilmoko girl

Petite actress, kilala sa pagiging Bilmoko girl

BISTADO pala ng ilang non-showbiz bachelor ang karakas ng isang petite actress. Certified Bilmoko girl pala ang hitad.
Eto ang tsika ng aming source, “May pamangkin ako na dating dyowa ng hitad na ‘yon. Hindi sila nagtagal kasi napakamateryosa ng hitad! Kung wala ka rin lang regalo sa kanya, sisimangutan ka niya! Ang ending, ang pamangkin ko na mismo ang nakipaghiwalay sa kanya!”
Consistent pala sa pagiging materialistic ang bansuting aktres. Maging sa mga sumunod niya kasing dyowa ay kung anik-anik na mamahaling gamit ang ipinabibili niya.
“Magtigil siya, ‘no! I’m sure, kung tumangkad-tangkad siya, eh, mas lalo siyang palahingi sa mga nakakarelasyon niya! Kung ako sa kanya, eh, humanap na lang siya ng boylet na malakas lumamon para tumaba-taba naman siya! Tignan mo nga ang hitsura niya ngayon, sa payat niyang ‘yon, eh, isang bulate na lang ang hindi pumipirma!”
Da who ang Bilmoko actress na syondak na nga, mukha pang walking skeleton sa payat? Itago na lang natin siya sa alyas na Kristeta Berdugo.
(Ronnie Carrasco III)

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved