Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Bea Binene, bound to Sydney, Australia sa kanyang kaarawan
Bea Binene, bound to Sydney, Australia sa kanyang kaarawan

Bea Binene, bound to Sydney, Australia sa kanyang kaarawan

MAGTUTUNGO ng Sydney, Australia sa kanyang kaarawan sa Nobyembre ang versatile actress ng Kapuso Network na si Bea Binene kasama ang kanyang mommy Carina at kapatid.
Maaalalang ang pagbibiyahe ang isa sa paboritong gawin ni Bea bukod sa pagkahilig sa sports at mountain climbing kasama ang kanyang mga showbiz friend na sina Kristoffer Martin, Alden Richards, Rodjun Cruz atbp..
Magsisilbing bakasyon na rin iyon para kay Bea na naging sunod-sunod din ang trabaho lately na katatapos pa lang umere ang telefantasyang  Mulawin versus Ravena na kasama ang dalaga kaya naman free na naman ito para mag-abroad.
Bibisitahin ni Bea ang ilan sa magagandang tanawin sa Australia at hindi  mawawala ang pagsa-shopping at food tasting ng masasarap na pagkain sa nasabing bansa.

COMMENTS
READ MORE:  Digong, sasalungat sa democratic ideals (‘pag ipinasara ang ABS-CBN)

About John Fontanilla

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved