AMINADO si Enrique Gil na nahirapan siyang maka-relate sa ginagampanan niyang role sa Seven Sundays, isang family dramedy na handog ng Star Cinema at mapapanood na simula ngayong araw, Oktubre 11.
Ayon kay Quen, ginagampanan niya ang role ni Dexter, bunso sa mga anak ni Ronaldo Valdez. Kapatid niya rito sina Aga Muhlach, Dingdong Dantes, at Cristine Reyes.
“I was hard for me to relate roon sa character because it was totally opposite of me I was used to, I was very close to my family. Si Dexter, he never grew up with them, hindi niya masyado kilala, so far from me kasi ako very close ako sa mom ko, sa dad ko.
“Siguro ‘yung what was really help ‘yung umalis sila (family) nasa London sila, ginagamit ko ‘yun kasi umuwi ako as in ako lang mag-isa. Sobrang tahimik ang bahay. Walang pagkain. Tinatawagan ko nga si Mama. Pinariringgan ko kung hindi niya ba ako nami-miss,” ani Quen.
Sinabi pa ni Quen na, ”Hindi ko maipaliwanag ang aking excitement noong nalaman kong makatrabaho sina Aga, Dingdong, Cristine, at Tito Ronaldo. I felt so excited and nervous at the same time. Alam kong dapat kong paghandaan ang pagganap ko sa papel ni Dex because I will be working with such fine actors. Excited din ako dahil alam kong marami akong matututuhan sa mga co-actor ko.”
Bale ang Seven Sundays ang ikalawang pelikula ni Enrique na si Direk Cathy Garcia-Molina ang nagdirehe. Ang una ay ang My Ex And Whys na pinagsamahan nila ni Liza Soberano.
“Sobra akong saya at thrilled to work with Direk Cathy once again. I feel so blessed to bea able to work with her twice in the same year,” sambit pa ng actor. ”Hindi natatapos ang learning tuwing kasama ko si Direk Cathy. Sa una naming pelikula, we did a romantic comedy, ngayon naman family drama-comedy at ensemble movie rin ito. So, I am able to learn new things under the guidance of Direk Cathy.”
Ang Seven Sundays ay isang heartwarming film na nagpapaalala sa bawat Pinoy na bagamat hindi lahat ng pamilya ay perpekto, isa lamnag ang tiyak—hindi mawawala ang pagmamahalan ng bawat miyebro sa isa’t isa sa kabila ng kanilang mga poblemang kinakaharap.
Rated A sa Cinema Evaluation Board ang Seven Sundays na mapapanood na simula ngayong araw at handog ng Star Cinema.
Check Also
Marissa Delgado tagahanga ni Marian, gandang-ganda sa aktres
RATED Rni Rommel Gonzales SI Marissa Delgado, na gumaganap na si Nova, ang masungit na biyenan ni Marian …
Xian sa love: painful and a magical feeling
MA at PAni Rommel Placente NOONG nakaraang Biyernes, March 22, si Xian Lim ang naging guest sa Fast …
Cristy Fermin napatunayan anak ni Baron sa isang aktres
PUSH NA’YANni Ambet Nabus TILA naging vindication naman para sa ating kaibigan at nanay-nanayang Cristy Fermin ang …
Baron binago estilo sa acting, Cristine magaling pa rin
PUSH NA’YANni Ambet Nabus NANIBAGO kami sa ipinakitang acting ni Baron Geisler sa Dearly Beloved, ang latest movie …
Aspire Magazine tuloy na pag-arangkada; 2 beauty queen inihataw ang galing
SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKABIBILIB ang publisher ng Aspire Magazine na si Ayen Cas dahil sa bawat issue …