Tuesday , November 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Andre, gustong makatrabaho sina Aiko at Jomari
Andre, gustong makatrabaho sina Aiko at Jomari

Andre, gustong makatrabaho sina Aiko at Jomari

MARESPETONG kausap ang anak ni Aiko Melendez na si Andre. Nakausap namin ang binata noong premiere night ng New Generation Heroes.
Sa pakikipag-usap namin kay Aiko, inamin nitong gusto niyang makasama sa isang major project ang anak. Ganoon din pala ang gusto ni Andre. ”Alam naman natin na broken family kami, ‘di ba? Kahit man lang sa movie ay magkakasama kami, kahit si mommy na lang,” wika nito.  
Dagdag pa ng binata ni Aiko, hindi niya kayang tapatan ang kahusayan sa pag-arte ng kanyang mga magulang (ang kanyang amang si Jomari Yllana) pero gagawin nito ang buong makakaya para hindi mapag-iwanan sa aktingan.
“Kung ano po ang kaya kong ibigay hanggang doon lang talaga. Ayaw ko pong pilitin na magmumukha akong trying hard.
Speaking of New Generation Heroes, palabas ito bilang Teacher’s Month presentation ng Golden Tiger Productions sa selected cinemas nationwide na tungkol sa apat na guro na may kanya-kanyang pinagdaanan bilang magtuturo. 

COMMENTS
READ MORE:  Popularity ni Aljur, ‘di raw bumaba

About Alex Datu

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved