Sunday , November 18 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Postal Bank magiging OFW Bank
Postal Bank magiging OFW Bank

Postal Bank magiging OFW Bank

INAPROBAHAN ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang pagbili ng Land Bank of the Philippines sa Philippine Postal Savings Bank para maging Overseas Filipino Bank (OFB).

Sa bisa ng Executive Order No. 44 na nilagdaan ni Pangulong Duterte, nakasaad na ang pagbili ng Land Bank sa PPSB ay daraan sa kaukulang prosesong itinakda ng Bangko Sentral ng Pilipinas, Securities and Exchange Commission, Philippine Deposit Insurance Corporation, at ng Philippine Competition Commission.

“Relative thereto, the PPSB shall cause the expeditious transfer of all assets, liabilities, records, systems, and other appurtenant items to LBP,” ayon sa EO.

READ MORE:  16 arestado sa anti-drug ops
READ MORE:  Bombay itinumba sa Baseco (Naningil ng pautang)

Inatasan ni Duterte ang Land Bank na maglagak ng kaukulang puhunan sa OFB para mapatatag ang capital base ng banko para sa mga migranteng obrero upang makamit ang layuning mag-lingkod sa financial and banking needs nila.

READ MORE:  Tambay na tatay nagbitay patay (Sa ika-10 suicide)

(ROSE NOVENARIO)



COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved