Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Amazing: Kakaibang isda, BFF ng Japanese

Amazing: Kakaibang isda, BFF ng Japanese

HINALIKAN ng scuba diver na si Hiroyuki Arakawa ang kanyang kaibigan na si Yoriko. (Image: Great Big Story /Youtube)

MAAARING mayroon kayong kakaibang mga kaibigan ngunit wala nang hihigit pa sa magkaparehang ito.

Sa gulang na 79, si Hiroyuki Arakawa ay maaaring palagi nang nahuli sa pagsagot sa text messages o nakalilimutan na ang kaarawan ng kanyang mga mahal sa buhay.

READ MORE:  A Dyok A Day

Ngunit sa mahigit 30 taon, hindi nakalimutan ni Arakawa, isang scuba di-ving pensioner, na bisitahin si Yoriko, isang Asian sheepshead wrasse, kilala rin bilang kobudai.

Unang nakita ni Arakawa si Yoriko nang siya ay atasang magtungo sa submarine shrine bilang para-ngal sa Shinto religion, sa 56 lalim ng underwater park sa timog bahagi ng Tokyo.

READ MORE:  Pusa itinakwil dahil sa mabahong utot

Dahil pagod na pagod at hindi na makakuha ng sarili niyang pagkain, pinakain ni Arakawa si Yoriko ng mga alimasag upang manumbalik ang lakas, ng limang piraso kada araw sa loob ng 10 araw.

Magmula noon ay na-ging malapit nang magkaibigan ang dalawa.

Sa kasalukuyan, sa bawat pagsisid ni Arakawa sa shrine (na tirahan ni Yoriko), pinatutunog niya ang metal gong ng martilyo para tawagin ang kakaibang isda.

READ MORE:  Sexy Leslie: Kapag pinasok ba ang ari makabubuntis ako?

Sa bawat pagbisita, lumalangoy ang dalawa, at hinahayaan ng isda si Arakawa na siya ay hawakan at halikan sa labi.
“I guess she knows I saved her when she was badly injured,” sinabing nakangiti ni Arakawa.

“I’m proud of that and have an amazing sense of accomplishment in my heart.” (mirror.co.uk)



COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved