Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Resbak ni Ogie kay Xander: Hindi kita hinuhusgahan! Walang umaapi sa ‘yo!
Resbak ni Ogie kay Xander: Hindi kita hinuhusgahan! Walang umaapi sa ‘yo!

Resbak ni Ogie kay Xander: Hindi kita hinuhusgahan! Walang umaapi sa ‘yo!

MAY resbak naman ang Home Sweetie Home actor ma si Ogie Diaz sa kanyang Facebook account.

“Dear Xander Ford, 

“’Di ko alam kung saan mo napulot ‘yung hinuhusgahan kita. Hindi kita hinuhusgahan. Pinapayuhan kita. Alam ko nakinig ka ng radio program namin ni MJ Felipe kanina. Pero hindi kita hinusgahan. 

“Kung huhusgahan kita eh ‘di sana, inokray ko ‘yung hitsura mo ngayon. Ang sinasabi ko, anak, kung nabago ang hitsura mo, sana pati pag-uugali mo. 

“Kung sinasabi mong hindi totoo ang lahat ng akusasyon sa ‘yo ng pagyayabang at pagmamaldita mo sa marshalls ng  ABS-CBN at pagtaklob ng hood sa mukha mo dahil ayaw mong pagkaguluhan ka ng  fans, depende naman ‘yan kung sino sa ating dalawa o sa mga nakasaksi ang paniniwalaan ng mga tao. Kung hindi talaga totoo, eh ‘di good. After all, mas kilala mo ang sarili mo kaysa kilala ka namin. 

“Pero, Marlou, andami namang nagpapatotoo ng asta mo kung nababasa mo ang mga comment sa posts ko, ‘di ba? Ano yon? Nag-imbento lang sila? ‘Wag kang mag-play api-apihan, anak. Walang umaapi sa ‘yo. Wag kang umastang kawawa, kasi hindi ka kinakawawa. Nangyayari lang ang panlalait sa ‘yo ng ibang tao kasi ikaw ang gumagawa ng dahilan para laitin ka nila. Gusto mo ba, i-screen grab ko ang mga nagpi-pm sa akin na nagpapatotoo na mas yumabang ka mula nang maging Xander ka?Hindi mo magugustuhan, anak, kaya pinili kong ‘wag na lang ilabas. 

READ MORE:  Kasal na alok ni Kris Lawrence, paulit-ulit na tinatanggihan ni Katrina Halili (Kahit may anak na sa RNB singer!)

“Pero nakita mo naman siguro ‘yung sinabi ni Jeffrey Tam na may attitude problem ka kaya ka inalis noon sa ‘Dolce Amore’? 
“’Yung staff ng ‘GGV’, na-shock din sa naging attitude mo sa marshalls na hindi ka magte-taping hangga’t hindi pinapapasok ang mga kasama mo?Ano ‘yon? Sinisiraan ka lang ba talaga nila? 

“Kaysa mag-asta kang kinakawawa ng mga tao, bakit hindi mo i-assess ang sarili mo, anak? Baka nga naman ‘di mo namamalayan eh mali na pala ang mga asta mo, wala lang nagpapaalala sa ‘yo. 

“Hindi naman mahirap maging humble, Xander. Kaya mo namang ibaon sa lupa ang mga paa mo para lang matuwa sa ‘yo ang mga tao sa larangang pinasok mo.  

READ MORE:  Kaye, hinihintay ang 2.5 karat diamond ring mula kay Paul Jake

“‘Yang pagta-transform mo from Marlou to Xander, okay ‘yan. Alam kong mahirap ang maintenance n’yan, pero mas ramdam kong masaya ka ngayon sa hitsura mo. 

“Kaysa magpaawa at iyakan ang panlalait sa ‘yo ng ibang tao, eh ngitian mo na lang sila at pangarapin mong balang-araw, magugustuhan ka rin nila. At mangyayari lang ‘yon kung tutulungan mo ring maretoke ang ilang ugaling ikinabuburat nila sa ‘yo. 

“’Wag kang mag-alala. Kahit nga ako, bina-bash ng ilang netizens, lalo na ng fans mo, pero iniintindi ko na lang din sila, dahil sanay na rin naman ako.

“Kaya cheer up, Xander.  Lagi mo na lang tatandaan na ‘everybody is entitled to his own opinion’ and ‘you really cannot please everybody.”

“Pero if you always practice humility, mapapansin mo na lang din ang pagiging positive ng tingin sa ‘yo ng mga tao. At kung gusto mo pa ng payo para magtuloy-tuloy ang career mo, nandito lang ako, pwede mo akong tanungin. 

READ MORE:  Direk Ricky, na-ICU dahil sa paninikip ng dibdib

“Kasi kung ako ang magma-manage sa ‘yo, gagawin talaga kitang mukhang artista.  

“Ipapa-body scrub kita twice a week hanggang sa pumuti ang tuhod mo at maging flawless ka at ang mga braso mo para kaya mo nang mag-sando o short sleeves. 

“Ipapa-workshop kita sa acting para prepared ka sa mabibigat na eksena. 

“Kahit voice lessons, ipapa-coach kita, dahil nakita ko ‘yung post mo na habang tumatae ka eh kumakanta ka ng ‘Versace On The Floor’ with matching pinapalo-palo mo pa ang puwet mo.

“At saka itse-check ko rin kung natutulog ka nang maaga, dahil kung patuloy kang magpupuyat eh hindi guarantee na porke guwapo ka na ngayon eh hindi na babalik ang nakaraan.

“Hayaan mo, para patunayan ko sa ‘yo na wala akong masamang tinapay sa mga pagsita ko sa ‘yo, ‘pag nagkita tayo, magpapa-picture ako sa ‘yo. Kahit one by one, whole body.”

Talbog!

TALBOG!
ni Roldan Castro



COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved