Sunday , September 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Malditang young singer milyonaryo rin ang BF (Peg ang kanyang mommy!)
Malditang young singer  milyonaryo rin ang BF (Peg ang kanyang mommy!)

Malditang young singer milyonaryo rin ang BF (Peg ang kanyang mommy!)

KAYA pala nagmamaldita (baka likas nang maldita) ang newcomer young recording artist ay dahil mayaman pala ang kanyang boyfriend.

Yes sa batang edad ay may karelasyon na si magandang singer na hindi pa man sumisikat ay mas feelingera pa sa kanyang kapatid na popular actress.

Kami mismo ay na-witness ang pagiging supladita nito nang mag-guest siya sa FM station para mag-promote ng kanyang album. Nataon na sister station (DWIZ) namin ang nasabing estasyon at may programa kami rito.

Aba, nang makasalubong namin at batiin si youngstar ay kinakausap nga kami pero nakataas naman ang kanyang kilay. Deadma rin siya sa mga kasamahan naming staff na parang invisible ang tingin niya. Sa ganyang attitude ng batang celebrity ay mukhang walang mararating ang career niya. Wala ngang balita kung bumebenta sa record bars ang kanyang album.

Hay dapat pangaralan siya ng kanyang tiyahin na nasa showbiz rin na sumikat nang husto pero marunong makisama at hindi isnabera.

Mukhang peg pala ni singer ang kanyang mommy dear na nakarelasyon ng politiko at nagdyowa rin siya ng mayaman.

Anna Dizon balik
limelight sa isang
aabangang movie

Balik limelight ang popular na singer-businesswoman (owner ng Villa Anna Resort and Farm at ATD Ser vices Inc.) na si Anna Dizon.

But this time ay hindi sa recording scene ang comeback ni Anna kundi sa pelikula na magsisilbi niyang first movie in her entire career. Pumayag siyang maging parte ng movie na sabi ay isasali sa Metro Manila Film Festival dahil nakombinsi siya ng kaibigang politician na kasamahan niya sa Christian chruch.

Last Friday ay nag-shooting na ang Star Diva (Anna) sa bandang Taytay at Angono Rizal. Doon kinunan ang mga eksena niya bilang doktora at tiyahin ng actress na si Janna Victoria. Nakaeksena nila ang character actor na si Efren Reyes, Jr.
Nang aming tanungin si Anna sa set kung kinabahan ba siya sa kanyang first acting career? Medyo raw pero naitawid naman niya ito at kinabiliban pa siya ng kanilang director.

Samantala this summer, ay tuloy na tuloy na ang grand re-opening ng maganda, malawak at sosyal na resort ng singer-actress na Villa Anna Paradise Resort and Farm na located sa Socorro Mabuhay 1, Oriental Mindoro na dadaluhan ng kilalang personalities.

Eat Bulaga,
ayaw pagsawaan
ng Dabarkads Viewers
sa buong bansa

Isang taon at anim na buwan mula ngayon ay 40 years na sa ere ang Eat Bulaga, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin pinagsasawaan ng Dabarkads ang kanilang favorite longest-running noontime show sa bansa.

At base sa latest survey ng AGB Nielsen Philippines ay nangungunang pangtanghaling programa pa rin ang Bulaga sa NUTAM Ratings. Ibig sabihin ay patok na patok sa mga manonood ang araw-araw (Lunes hanggang Sabado) na segment ng programa na “Juan For All All For Juan.”

Nariyan ang Sugod bahay sa Barangay at Bayanihan of ‘Da Pipol, ang masayang QUIZ VEE: Thank You, For That Wonderful Question kasama sina Ryan Agoncillo, Luane Dy, Teri Onor, Boobay, at Dabarkads judges at ang mga beauty and brainy Super Sireyna, “Jackpot En Poy” with pretty and hunky referees Ruffa Gutierrez and Gov. Lloyd, Bossing Vic Sotto and Dabarkads kasama ang daily celebrity contestants, at ang Music Hero The Vocal Battle na labanan ng mga young soloist.

Tuwing Sabado, sino ba naman ang hindi mag-e-enjoy sa Bulagaan 2017 na mas lalo pang pinahitik at pinasaya ang batuhan ng jokes at ang inaabangang Broadway Boys Concert featuring our OPM Icons and Foreign artist guest na muling binabalikan ang mga pinasikat na awitin na sinasabayan ng apat na mahuhusay na miyembro ng Broadway Boys na sina Francis Aglbatin (Lola’s Playlist Grand winner), Joshua Trono, Joshua Lumbao at Benidict Aboyme.

Bukod sa sugod bahay sa Barangay ay dalawa pa sa proyekto ng Bulaga para sa bansa ang Plastic Ni Juan Project at ang EB Best na nagpapaaral sila nang libre sa high school at kolehiyo at nakapagtapos nang ilang mga kababayan natin sa College.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma



COMMENTS

About Peter Ledesma

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved