Monday , November 17 2025

CJ Perez NCAA PoW muli

SA ikalawang pagkakataon ay itinanghal na Chooks To Go – NCAA Player of the Week si CJ Perez ng Lyceum of the Philippines University. 

Isinukbit ni Perez ang parangal matapos pangunahan ang Pirates sa 81-69 sa pagdispatsa sa Letran Knights noong nakaraang Biyernes upang manatiling walang dungis sa 16 salang.

Kinamada ni Perez ang 10 sa kanyang 24 puntos sa huling kanto habang nagdagdag din ng 3 rebounds, assists at 3 steals para sa LPU na lumapit nang dalawang laban tungo sa pagwawalis sa eliminasyon. 

“Conscious siya pag nagkamali siya. He knows na nagkamali siya. One thing I like about him and I always brag to coaches in Alaska. Hindi siya naninisi ng kasama,” ani Lyceum coach Topex Robinson sa kanyang manlalaro. 

Kasalukuyang nasa ikatlong puwesto ng karera sa MVP si Perez sa likod ni Prince Eze ng Perpetual at kasangga sa Lyceum na si Mike Nzeusseu ngunit sa pa-tuloy na ratsada nila at pagkakatanggal ng Perpetual sa playoffs, inaasahang tataas pa ang lipad nito. 

“Hindi siya ‘yung pag hindi napapasahan, nagagalit. He knows kumabaga na kailangan niya rin ang tulong ng mga kasama niya, dagdag ni Robinson. 

Si Perez din ang unang nagkamit ng parangal para sa Season 93. 

Ginapi niya sa pagkakataong ito sina Javee Mocon ng San Beda, Kent Salado ng Arellano, Andoy Estrella ng Mapua at Jed Mendoza ng JRU. 

ni John Bryan Ulanday



Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

GAP Cynthia Carrion

Makabuluhang mga medalya para sa mga magkakampeon sa World Junior Gymfest – Carrion

ANG mga medalya na iginagawad sa mga nagwawagi sa mga pandaigdigang paligsahan sa palakasan ay …

PSC BSC MSU

Marawi, Umuusbong Bilang Lupain ng Pangako para sa mga Talento sa Palakasan

LUNGSOD NG MARAWI — Sa pakikipagtulungan ng Philippine Sports Commission (PSC), Bangsamoro Sports Commission (BSC), …

DSAS

DSAS balik sa Megatrade Hall ng SM Megamall

DAMHIN ang pangunahing palabas ng mga baril, kaligtasan, at responsableng pagmamay-ari sa bansa sa Nobyembre …

bagyo

Live shows, basketball games, out of town kanselado kahapon 

I-FLEXni Jun Nardo KANSELADO ang ilang live shows at out of town appearances ng ilang …

Carlos Yulo GAP Gymnastics

World Junior Meet malaking ambag sa pagpapaunlad ng Gymnastics sa Pilipinas

ANG pagsasagawa ng ika-3 FIG Artistic Gymnastics Junior World Championships sa bansa ay inaasahang magdudulot …