Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Magnobyong estudyante pinatay, bebot niluray
Magnobyong estudyante  pinatay, bebot niluray

Magnobyong estudyante pinatay, bebot niluray

NATAGPUANG patay ang magkasintahang college students habang pinaniniwalaang ginahasa ang biktimang babae, sa mabundok at liblib na bahagi ng Rodriguez, Rizal, kamakalawa ng tanghali.
Kinilala ni Supt. Hector  Grijaldo, hepe ng Rodriguez PNP, ang mga biktimang sina Charmaine Villarias, 19, at John Vincent Umiten, kapwa estudyante ng Colegio De Montalban at nakatira sa nasabing bayan.
Natagpuan ang mga biktima na kapwa nakagapos ang mga kamay at paa, at hinihinalang pinatay sa sakal at mga palo ng matigas na bagay sa ulo, habang may dalawang saksak din sa baywang si Umiten.
May posibibilidad na ginahasa si Villarin dahil wala siyang saplot na pang-ibaba nang matagpuan.
Samantala, kinompirma ni Grijaldo, may hawak na silang “persons of interest” sa kaso ngunit tumangging ibulgar ang pagkakakilanlan gayonman sinabing sangkot sa panghoholdap at pagnanakaw sa lugar ang nasabing mga lalaki.
Ayon sa ulat ni PO1 Jaymar Yim, dakong 12:30 pm kamakalawa nang madiskobre ang bangkay ng mga biktima sa burol sa Mt. Zion, sa loob ng Amityville Subdivision, Brgy. San Jose, Rodriguez, Rizal, ng security guard ng subdibisyon na si Mario Bautista, 41, residente sa Block 25, Lot 53, Phase 1K2, Kasiglahan Village, ng naturang barangay.
Nagpapatrolya ang guwardiya sa naturang lugar nang mapuna ang mga bakas ng paa sa damuhan kaya sinundan kung saan ito nagmula.
Laking gulat ng guwardiya nang tumambad sa kanya ang bangkay ng mga biktima kaya’t agad ini-report sa pulisya.
Hinala ng mga awtoridad, posibleng nagtungo sa lugar ang mga biktima dahil kilalang lovers’ site ang subdibis-yon dahil sa magandang view doon.
Pagnanakaw ang tinitingnang anggulo ng pulisya sa krimen dahil nawawala ang mga cellphone, wallet at iba pang mahalagang gamit ng mga biktima.
(ED MORENO)

COMMENTS
READ MORE:  Pribatisasyon ng Orthopedic immoral — CBCP

About Ed Moreno

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved