Sunday , November 18 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Sumaklolo sa kaibigan natodas sa ratrat
Sumaklolo sa kaibigan natodas sa ratrat

Sumaklolo sa kaibigan natodas sa ratrat

PATAY agad ang isang pedicab driver habang sugatan ang sinaklolohang kaibigan nang pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek na nakasakay sa motorsiklo sa kahabaan ng Velasquez St. corner Herbosa Ext. Tondo, Maynila, 3:30 am, kahapon.

Kinilala ang napaslang na biktima na si Luciano Lucena, 47 anyos; at si Edward Joson, 27 anyos, tricycle driver, sugatan.

READ MORE:  Multa sa kolorum ng LTO money making — PISTON

Sa salaysay ng live-in partner ni Joson na si Joana Nevado, nagkakasiyahan at nag-iinoman ang dalawang biktima kasama ng iba pang driver sa terminal nang mangyari ang insidente.

Paalis na umano sila nang may dumating na itim na motorsiklo, walang plaka na pinagbabaril ang kanyang kinakasama sa bandang leeg, na kanyang ikinatumba.

READ MORE:  Ginang itinumba sa harap ng anak

Nang makita ng kaibigang si Lucena ang nangyari, agad niyang dinaluhan si Joson ngunit siya man ay pinagbabaril ng mga suspek nang maraming ulit na agad ni-yang ikinamatay.

Agad dinala si Joson sa pinakamalapit na ospital.

Natagpuan sa crime scene ang isang piraso ng basyo ng bala at apat na piraso ng fired cartridge cases.

READ MORE:  Narco-politicians binubusisi ng DILG

Lumabas sa pagsu-suri na maraming tama ng bala ang biktima sa iba’t ibang parte ng katawan.

Dinala sa Archangel Funeral ang bangkay para sa autopsy.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng pulisya kung ano ang motibo sa pamamaril.

(LOVELY ANGELES)

COMMENTS

About Lovely Angeles

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved