Wednesday , September 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Jailer ng MPD na tutulog-tulog sa pansitan?!
Jailer ng MPD  na tutulog-tulog  sa pansitan?!

Jailer ng MPD na tutulog-tulog sa pansitan?!

SINO po kaya ang jailer ng MPD-PS7 sa J.A. Santos Avenue sa Tondo, Maynila na tutulog-tulog sa pansitan at katabi pa ang mga de-mesa?

Hindi naman po masamang matulog lalo na kung puyat ka.

At lalong hindi rin kasalanan kaya lang sana’y nagtatago ka naman o gumigilid para hindi ka nakikita ng madlang pipol. Napakapangit tingnan na nakatungo ka sa front desk kasama ang mga de-mesa na suot mo pa ang iyong uniporme.

Friendly reminder lang po Sir!

LOBBY NG PRESINTO
HUWAG GAWIN TAMBAYAN!

Dapat magpaskil ng mga tarpaulin sa harapan ng mga police station na nagsasabing “Bawal ang tambay at nakasimangot dito.”

Ito’y kaugnay sa mga komento ng residente ng Tondo sa ilang pulis na nakabalagbag o nakatambay sa mismong lobby ng Presinto 7.

E mukhang mga bukbuking unggoy na puyat na naka-display pa sa harapan ng de-mesa. Bukod sa puna ng mga concerned citizen ay hindi pa naka-uniporme ang mga pulis.

Bakit hindi sila bigyan ng sariling kuwarto para hindi nakasisira sa imahen ng presinto?!

PS-7 Chief Kernel Daniel, madalas ka rin nakikita sa lobby ng presinto. Pero kakaiba ka sa mga pulis mo, maganda ang iyong tindig at very accommodating sa dumarating na mga tao na nangangailangan ng tulong sa iyong presinto.

At laging nakangiti sa pakikitungo sa mga tao.

Hindi ka raw kagaya ng dalawang buraot ‘este bata mo na sina Tata Delfin at Sarhento Sumayao na parang ang laki ang problema sa buhay?!

Hehehe…

CONGRATS TATA
DENNIS RAMOS!

Na-promote na pala ng one rank higher mula PO2 at ngayo’y PO3 na si Tata Dennis ng PS-3.

Iba talaga ang galing kapag organic na pulis ng MPD at rose from the ranks.

Mabuhay ka Tata Dennis!

YANIG
ni Bong Ramos

COMMENTS

About Bong Ramos

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved