Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports / Ikeh kumakayod para sa Ateneo
Ikeh kumakayod para sa Ateneo

Ikeh kumakayod para sa Ateneo

MALAKI ang naging ambag  ni Nigerian center Chibueze Ikeh sa dalawang huling panalo ng Ateneo Blue Eagles sa UAAP Season 80 basketball tournament.
Nagtala si 6-foot-7 Ikeh ng average na 12.5 ppg, 11.0 rpg, 2.0 apg, at 1.5 bpg sa huling dalawang laro niya sapat para tulungan ang Blue Eagles na ilista ang malinis na anim na panalo.
Dahil sa kanyang kabayanihan tinanghal siyang UAAP Press Corps Chooks-to-Go Player of the Week.
Tumikada si Ikeh ng pitong puntos, 11 rebounds, tatlong assists at dalawang steals nang talunin nila ang University of Sto. Tomas, 94-84 noong Miyerkoles.
Makaraan ang tatlong araw, kumana si Ikeh ng career-high 18 points kasama ang 11 caroms at dalawang blocks para sa 96-83 panalo ng Ateneo kontra National University Bulldogs.
Sinalpak din ni Ikeh ng dalawang three pointers laban sa Bulldogs.
Hindi nasorpresa ang coaching staff ng Ateneo sa pangunguna ni coach Tab Baldwin dahil may go-signal naman si Ikeh na tumira sa tres.
Puntirya ng Ateneo ang first round sweep pagharap nila sa defending champion La Salle sa Linggo sa Mall of Asia Arena sa Pasay.
(ARABELA PRINCESS DAWA)

COMMENTS
READ MORE:  UAAP residency rule balak baguhin

About Arabela Princess Dawa

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved