Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / News / BSK polls tuluyang iniliban sa 2018

BSK polls tuluyang iniliban sa 2018

MANANATILI sa kanilang puwesto ang mga kasalukuyang nakaupong opisyal ng barangay hanggang mahalal ang mga papalit sa kanila sa 14 Mayo 2018, alinsunod sa batas.

Ito’y matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 10952 na pinahihintulutan ang pag-urong sa BSK elections hanggang sa ikalawang Lunes ng Mayo 2018.

Iniusog ang halalan na dapat sana ay gagawin ngayong 23 Oktubre 2017 dahil ayon sa pangulo, 40 percent ng barangay officials ang sangkot sa ilegal na droga.

READ MORE:  Mag-utol na paslit nalunod sa Zambo Norte

Tinanggap at ikinatuwa ng Commission on Elections (Comelec) ang desisyon ng pangulo na pagpapaliban ng eleksiyon.

“The Comelec welcomes the news that the President has just signed the law postponing the Barangay and Sangguniang Kabataan elections,” ani James Jimenez, tagapagsalita ng Comelec.

READ MORE:  Kusinera dedbol sa bundol ng kotse (Naputulan ng 2 hita)

Nag-abiso na umano ang Comelec sa mga katuwang nilang ahensiya na itigil muna ang aktibidad na may kaugnayan sa halalan.

“The Commission en Banc will be issuing the necessary Resolutions to effectuate this new law. In the meantime, we advise all deputized agencies and election partners to immediately begin ramping down their election related activities and await more detailed instructions and guidelines from the Commission on how to move forward,” pahayag ni Comelec Chairperson Andres Bautista.

READ MORE:  Purisima, Napeñas idiniin ng Ombudsman sa Mamasapano case

Ang mahahalal sa Mayo 2018 ay uupo nang dalawang taon upang masunod ang nakatakdang petsa ng halalan para sa 2020.
Ito na ang ikalawang pagkakataon na iniliban ang BSK elections.

ni Alexis Alatiit

COMMENTS

About Alexis Alatiit

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved