Monday , November 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Lloydie, ‘di dumaan sa red carpet; E’press, iniwasan
Lloydie, ‘di dumaan sa red carpet; E’press, iniwasan

Lloydie, ‘di dumaan sa red carpet; E’press, iniwasan

HINDI raw nagdaan si John Lloyd Cruz sa red carpet ng isang event noong isang gabi. Hindi rin siya nagdaan sa media center kagaya ng ginawa noong iba para makausap ng entertainment press na kanilang kinumbida. Pero understood iyon. Umiiwas lang si John Lloyd sa mas marami pang tsismis na maaaring ibunga ng kanyang pakikipag-usap. Masyado na kasing bugbog si John Lloyd dahil sa mga nai-post niya sa social media lately.

Kung minsan tinatanong nga natin iyang mga artist, bakit nga ba may nagagawa sila na mahirap mong ipaliwanag? Pero hindi lang naman si John Lloyd ang dumaraan sa ganyan. Maraming mga artista rin ang nagkakaganyan, at ang paliwanag nga ng isang kaibigan naming Psychiatrist ay simple lang, kasi iyang mga artista ay mga taong masyadong gamit ang emosyon. Minsan naaapektuhan na sila kahit na hindi na sila umaarte.

READ MORE:  Ma’Rosa, una raw inialok kay Ate Vi
READ MORE:  Equal rights para sa mga Beki, isinusulong ni Ate Koring

Tama ngang umiwas na lang muna si John Lloyd habang mainit pa ang usapan.

READ MORE:  Diana Zubiri, palaban pa rin sa pagpapa-sexy!

HATAWAN
ni Ed de Leon



COMMENTS

About Ed de Leon

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved