Sunday , September 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Joyce Peñas, kaya nang magbida
Joyce Peñas, kaya nang magbida

Joyce Peñas, kaya nang magbida

TUWANG-TUWA ang partner ng Golden Tiger Productions na si Joyce Peñas sa naging turnout ng premiere ng pelikula nilang New Generation Heroes ni Direk Anthony Hernandez.

Maraming tao ang sumaksi. Maganda ang reviews na lumabas.

Kasama sa cast ni Joyce sina Jao Mapa, Aiko Melendez, at Ms. Anita Linda. Dahil istorya ito ng iba’t ibang buhay at pagsubok ng mga guro, may kanya-kanyang moments ang katauhan ng apat.

Sabi ng mga nanood, maski first timer si Joyce, ipinamalas lang nito na kaya pala niyang maging bida. At inamin niyang talagang nagtiyaga siya sa mga workshop na sinalangan niya para nga naman hindi siya maging kahiya-hiya sa sandaling mag-shoot na siya.

Nagawa niya ang drama. Hanggang sa ending siya ang bida. Na-achieve ang gustong ipahatid ng mensahe ng pelikula.

Kaya marami ang nagpapaabot ng pagbati nila kay Joyce.

HARD TALK
ni Pilar Mateo



COMMENTS

About Pilar Mateo

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved