Saturday , September 22 2018
Breaking News
You are here: Home / News / China bank nilooban ng Termite gang 

China bank nilooban ng Termite gang 



PINASOK at pinagnakawan ng hindi pa batid na halaga ng salapi ng hinihinalang Termite gang ang isang sangay ng China Bank sa Fairview, Quezon City.

Sa ulat  ni Supt. Tomas G. Nuñez, hepe ng Quezon City Police District (QCPD) Fairview Police Station 5, dakong 8:00 am kahapon nang madiskobre ng operation manager na si  Mr. Marlou Espejo, na nilooban ang banko.

Napasok ang banko sa kanto ng Commonwealth Avenue at Camaro St., Greater Fairview, sa nabanggit na lungsod, makaraang dumaan sa ginawang hukay o tunnel ang mga suspek.

Sa imbestigasyon ng Theft and Robbery Section ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), nakapasok ang mga suspek sa banko sa pamamagitan ng pag-hukay ng tunnel mula sa isang drainage system sa kanto ng Commonwealth Ave. at Camaro St., ilang metro lamang ang layo sa banko.

Nang mapasok ang banko, puwersahang binuksan ang vault at tina-ngay ang laman nitong libo-libong halaga ng sa-lapi.

Napag-alaman, sa pagitan ng 30 Setyembre at 2 Oktubre nang looban ang nasabing banko.

Nakuha sa tunnel ang mga gamit sa paghuhukay.

(ALMAR DANGUILAN)



COMMENTS

About Almar Danguilan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved