Tuesday , November 13 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Arrest warrant vs misis ni Enzo Pastor pinagtibay ng CA
Arrest warrant vs misis  ni Enzo Pastor pinagtibay ng CA

Arrest warrant vs misis ni Enzo Pastor pinagtibay ng CA

PINAGTIBAY ng Court of Appeals (C) ang arrest warrant na inisyu ng Que-zon City court laban kay Dalia Guerrero-Pastor kaugnay sa pagpatay sa kanyang mister, si international race car driver Ferdinand “Enzo” Pastor noong 2014.

Sa resolusyon na may petsang 14 Setyembre, ibinasura ng CA Seventh Division ang apela ni Dalia na pigilan ang arrest warrant na inilabas ng Quezon City Regional Trial Court Branch 91 noong Marso 2015, bunsod nang kawalan ng metiro.

“Dalia failed to establish that she has a clear and unmistakable legal right which ought to be protected. She also failed to persuade us that there is extreme urgency for the relief,” ayon sa CA.

READ MORE:  3 patay sa vigilante

Tinanggihan din ng appellate court na desis-yonan ang argumento ni Dalia na walang ebidensiya ang prosekusyon na susuporta sa parricide case dahil ito ay posibleng mag-preempt sa merito ng pangunahing kaso.

READ MORE:  TRAIN 2 isinulong

Si Pastor ay pinatay noong 12 Hunyo 2014 sa kanto ng Visayas at Congressional avenues sa Quezon City habang patungo sa isa pang karera sa Clark International Speedway sa Pampanga.

Nagsagawa ang Department of Justice (DoJ) ng preliminary investigation, nagresulta sa paghahain ng kasong parricide laban kay Dalia at sa negosyanteng si Sandy de Guzman, bilang umano’y mastermind sa krimen.

READ MORE:  13-anyos dalagita binuntis ng half brother

Sinabi ng ama ni Enzo na si Tomas Pastor, sina Dalia at De Guzman ay ilang taon nang may relasyon, at nakatakda nang magpakasal.
Si Dalia, ilang taon nang nagtatago, ay kasalukuyang nasa listahan ng wanted persons sa International Criminal Police Organization.



COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved