Wednesday , November 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Nikko Natividad, happy na malinya bilang komedyante at TV host
Nikko Natividad, happy na malinya  bilang komedyante at TV host

Nikko Natividad, happy na malinya bilang komedyante at TV host

MASAYA ang Hashtag member na si Nikko Natividad sa magagandang break na dumarating sa kanya ngayon. Kaliwa’t kanan kasi ang project ngayon ni Nikko, sa pelikula, TV, at pati endorsement ay mayroon na rin siya.

Sa movie ay kasali si Nikko sa Bes and the Beshies ni Direk Joel Lamangan na tinatampukan nina Zsa Zsa Padilla, Carmi Martin, Beauty Gonzalez, at Ai Ai Delas Alas. Bida rin siya sa pelikulang Bakwit ni Direk Jason Paul Laxamana at ka-partner niya rito si Devon Seron.

Sa Bes and the Beshies, gumaganap na mother ni Nikko si Ai Ai at nabanggit ng actor/dancer/TV host na biggest break niya ito so far.

“Sana abangan ninyo iyan sa October 18, itong Bes and the Beshies po ang masasabi kong introducing film ko talaga. So far sa big screen, ito ang pinakamalaking break ko po, kasi mainstream talaga ‘to e. Kaya sobra-sobra ang saya ko po sa nangyayari sa career ko.

READ MORE:  Mahigit sa P1-M, ipinarapol sa EPress

“Kasi po, iyon talaga ang gusto ko, mapasali sa comedy. Kahit hindi po bida talaga, kahit sidekick lang ay wala pong problema sa akin ‘yan basta comedy. Kasi masaya po at para sa akin kasi, parang hindi na ko mahihirapan dahil natural na, e.

“Ngayon po, bukod sa It’s Showtime, Umagang Kay Ganda… and then, malapit na kaming mag-start ng TV series po na napasali rin ako. Tapos may isa pa akong movie, iyon pong Bakwit ni Direk Jason Paul Laxamana. Kaya sobrang happy talaga po ako sa mga blessings na iyan,” nakangiting saad ni Nikko.

READ MORE:  Vic, bantay sarado kay Pauleen (Lagi raw kasama sa taping)

Paano mo ide-describe ‘yung pelikula?

“Riot po sa katatawanan ito, about ito sa apat na magkakaibigan… Siyempre sa magkakabarakada, iba-iba ‘yung ugali niyan, e. Bale, nanay ko rito ‘yung bida na si Ms. Ai Ai Delas Alas at ‘yung role ko rito, ‘di ko alam kung unico hijo o unica hija ba ko rito?” Nakatawang saad niya.

Samantala, endorser na rin si Nikko ng Freshgear na ang produktog nakikitang suot o gamit ni Nikko ay mga polo, pantalon, at marami pang iba.

Labis ang kagalakan niya dahil magiging bahagi na rin siya ng isang TV series. “Sobrang nakao-overwhelm po, first time ko kasing magkakaroon ng teleserye. Kaya kumbaga, panibagong kaba po ito sa akin at kakaibang experience rin po sa akin. Sobrang dami pong pumapasok sa isip ko sa bagong break na ito, pero matagal ko na pong hinihintay ito kaya sobrang thankful po talaga ako sa pangyayaring ito.”   

READ MORE:  Naudlot na honeymoon nina Anne at Erwan, haharapin na

Ukol naman sa UKG, sinabi ni Nikko na malaking bagay ito sa kanyang career. “Masayang-masaya po ako kasi bukod sa araw-araw ako sa It’s Showtime ay kinuha na rin ako ng UKG (Umagang Kay Ganda).”

Dagdag niya, “Kumbaga, rati ay guest lang kami sa UKG kapag kailangang sumayaw ang Hashtags, pero ngayon po ay parte na rin ako ng show. Kaya sobrang thankful po ako sa bagong blessing na ito.”

ALAM MO NA!
ni Nonie V. Nicasio



COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved