Thursday , December 13 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ms. Tess Cancio ng Gitana Films, proud kay Devon Seron sa You With Me
Ms. Tess Cancio ng Gitana Films, proud kay Devon Seron sa You With Me

Ms. Tess Cancio ng Gitana Films, proud kay Devon Seron sa You With Me

I'm so grateful for all the blessings that I am receiving. I am glad i have found new friends that became a family. I am very lucky to have people who supported me as I go through this journey. Lord! thank you for all the opportunities and chances in life! To my mamshie Eds! Kung di dahil sayo di ko masisimulan to. i love you!. To Direk Rommel and Ms. Shine, maraming salamat po sa gabay at tiwala sa akin. At sa family ko na Sa ilang beses na pagkakataon na gusto ko na sumuko kayo naging inspirasyon ko na magpatuloy. Sa Glamteam ko, Thank you po sa pag aalaga sa akin. To starmagic, Ms. Kate and kuya Erik salamat po! and to all of my fans! mahal ko kayo! And sa korean staff and crew and to the two korean actors thank you for making the shooting days and our stay in korea memorable. Most especially to the person who made me see things in a different light. 💕 Thank you! Please watch #YouWithMeMovie showing na po in all CINEMAS NATIONWIDE!!! 💙 please spread the love and support!!!

A post shared by Devon Seron (@devonseron) on



SHOWING na ngayon ang pelikulang You With Me  tampok ang Korean stars na sina Hyun Woo at Jin Ju Hyung at ang ex-PBB Housemate na si Devon Seron. Last Tuesday ay dinagsa ng maraming moviegoers ang ginanap na premiere night nito.

READ MORE:  Ai Ai, tama ang suhestiyong pumareha si Marian kina Lloydie at Coco (Para maiangat ng kaunti ang career ng aktres)

Maraming fans ang kinilig nang husto kina Hyun Woo at Jin Ju Hyung dahil sa kaguwapohan nila. Marami naman ang natutuwa sa magandang break na dumating kay Devon. Bukod kasi sa first starring role ito ng aktres, ang pelikula ay ipapalabas din sa ibang bansa tulad ng Korea, Japan, Singapore, USA, at iba pa.

A post shared by Star Magic (@starmagicphils) on



Pagdating pa lang sa loob ng Trinoma Cinema ng mga bida ng You With Me ay pulos tilian na ng fans ang maririnig. Nang nagsimula na ang pelikula, mas naging maingay ang tilian ng manonood, lalo na ang mga bagets na kababaihan na hook na hook talaga sa mga Korean stars.

READ MORE:  Kris, nakipag-peace na kay James

Nang nakahuntahan namin ang producer nito na si Ms. Tess Cancio, inusisa namin kung pati ba siya ay kinilig sa kanilang pelikula. “Pinipigilan ko, pero nakakikilig talaga ang movie,” nakangiting saad niya.

A post shared by Star Magic (@starmagicphils) on



Nalaman din namin kay Ms. Tess na hindi lang pala si Devon ang nag-audition dito, kundi pati ang dalawang Korean stars na eventually ay naging lead actor sa pelikula ay dumaan din sa auditons.

How about si Devon po, ano ang masasabi ninyo sa kanya? Paaano nagsimula ang idea na magkaroon ng ganitong pelikula?

A post shared by Star Magic (@starmagicphils) on



Sagot ni Ms. Tess, “Devon I’m so proud of her! She really pushed to do her best in this film, Wika nga in English, she stepped up to the plate. I hope she continues to develop positively in her film career. Mukhang ang rom-com genre with these two boys ang magiging style ng roles na gagampanan niya.

READ MORE:  Tribute concert para kay Rico J. Puno, sa Nov. 23 na

“The idea to make this movie began when Shine Ricafort, wife of Direk Rommel, decided to draft a script to present to Seoul Film Commission. She said, ‘Try natin Ma’am kung magustuhan nila and let’s see if they approve it.’ Sinubmit ni Shine and SFC said, ‘Let’s talk,’ and the rest is history,” nakangiting saad ni Ms. Tess.

A post shared by Star Magic (@starmagicphils) on



Ang You With Me ay sa pamamahala ni Direk Rommel Ricafort. Tampok din dito sina Tonton Gutierrez, Assunta De Rossi, Jon Lucas, Hazel Faith Dela Cruz, Lee Seung-Yun, Sung In-Ja, Shin Dong-Hun, Lee Soo-Ryun, Oh Ja-Hun, Hastags. Ang pelikula ay handog ng Gitana Films Productions ni Ms. Tess Cancio, RR Films Entertainment, Film Line Pictures Production LTD, at Seoul Film Commission.

ALAM MO NA!
ni Nonie V. Nicasio



COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved