Tuesday , November 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Devon, nagpaka-trying hard makatrabaho lang ang 2 Koreano
Devon, nagpaka-trying hard makatrabaho lang ang 2 Koreano

Devon, nagpaka-trying hard makatrabaho lang ang 2 Koreano

“ACTUALLY, mababait sila, they are very caring and gentlemen talaga. Masaya rin silang makasama. Sabay-sabay kaming kumakain, nakikipag-chicahan din sila,” deklara ni Devon Seron sa dalawang Korean stars na leading men niya na sina Hyun Woo at Jin Ju-Hyung para sa pelikulang You With Me.

Pero ayaw niyang mag-assume sa pagiging maasikaso ng dalawa na may gusto ang mga ito sa kanya. May chism kasi na parehong nagkakagusto sa kanya ang dalawang Koreano. Getting to know each other ang status nilang tatlo.

Paano niya isasalarawan ang dalawang leading men?

READ MORE:  Mga hugot at pasabog, mapapanood sa Michael Really Sounds Familiar

Nakakapag-English si Ju-Hyung at seryosong tao. Nakakausap niya ito ng seryosohan. Nakakapag-discuss sila ng mga personal na bagay. Si Hyun Woo naman ay masayahing tao at maalaga rin.

Samantala, aminado si Devon na nag-gatecrash siya sa audition ng pelikula. Hindi siya part ng list ng mga auditionist. Nalaman lang niya ito sa friend niya na make up artist ng production. Nagpasa  siya ng requirements, larawan, at  hindi niya alam na makakasama sa movie ang mga Korean star. Ang  akala niya  ay indie movie ang gagawin at  mga Filipinong artista lang ang cast pero kukunan sa Korea.

READ MORE:  Ina Feleo, excited makatrabaho ang AlDub!
READ MORE:  Halaga ng katapatan, ibibida ni Honesto

“Noong nag-audition po ako, sinabi po sa akin na sa Korea po gagawin tapos ‘yung mga kasama ko ko Korean. So, ako naman na-challenge ako, parang, wow! Paano kaya ‘to? Paano ko kaya gagawin ‘to? Nalito rin po ako and nahirapan din ako na i-imagine ‘yung sarili ko in that position,” bulalas ni Devon.

TALBOG
ni Roldan Castro



COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved