Wednesday , November 21 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 2 preso patay sa heat stroke (Sa Pasay City)
2 preso patay sa heat stroke (Sa Pasay City)

2 preso patay sa heat stroke (Sa Pasay City)

MAGKASUNOD na binawian ng buhay ang dalawang preso ng Pasay City Police detention cell dahil sa matinding init at sobrang siksikan sa loob ng piitan sa nasabing lungsod.

Kinilala ang mga biktimang sina Reynaldo Tenancio, 54, may kasong alarm and scandal, at Oscar Nuñez, na nahaharap sa kasong droga.

Sa ulat ng Station Investigation Detective Management Branch (SIDMB) ng Pasay City Police, bandang 12:00 pm kamakalawa nang himatayin si Te-nancio sa loob ng detention cell.

READ MORE:  Pribatisasyon ng 72 public hospitals tinuligsa ng CPP
READ MORE:  Health issues ni Enrile titiyakin pa (Bago payagan sa PNP Gen. Hospital)

Agad isinugod ng rescue team si Tenancio sa Pasay City General Hospital ngunit hindi umabot nang buhay.

Makalipas ang ilang minuto, sunod na hinimatay at nangisay sa loob ng selda si Nuñez. Isinugod din siya sa nabanggit na pagamutan ngunit binawian siya ng buhay.

READ MORE:  Roxas, De Lima nanindigan sa batas

Ayon sa pulisya, matindi ang nararanasang init sa loob ng kulungan dahil siksikan ang mga preso.

(JAJA GARCIA)



COMMENTS

About Jaja Garcia

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved