Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / War lord naman ngayon ang gusto ni Rep. Rudy Fariñas!? (Hari ng traffic violations supalpal)
War lord naman  ngayon ang gusto ni Rep. Rudy Fariñas!? (Hari ng traffic violations supalpal)

War lord naman ngayon ang gusto ni Rep. Rudy Fariñas!? (Hari ng traffic violations supalpal)

IBANG klase talaga ang tinawag na predator ni si ako, si ikaw…

Matapos masupalal ang mungkahing maging hari ng traffic violators ang mga mambubutas ‘este mambabatas heto naman ngayon, gustong kopohin ni House Majority Floor Leader, representative Rodolfo Fariñas ang mga pulis at maglagay din daw ng mga itatalaga sa kanila.

At hindi lang basta bodyguard, Congress police ang gusto ni Manong Rudy.

Bakit po Congressman Fariñas, naiismolan po ba kayo sa kakayahan ng kababayan mong si House Sgt-at-arms, Gen. Rolando Detabali, na isang PMAer?

READ MORE:  LAZADA.PH nag-deliver ng pekeng item sa consumer (Attention: DTI)

Sa tingin siguro ni Manong Rudy e ‘mahina’ si Gen. Detabali? O hindi niya mabraso sa mga gusto niyang baluktot at taliwas sa umiiral na batas gaya ng pagpapakulong sa “Ilocos Six?”

Sa House Bill 6208, gusto raw ni Fariñas na magtatag ng Philippine Legislative Police (PLP) na magbibigay ng seguridad sa lahat ng miyembro ng Kongreso, poproteksiyonan ang mga ari-arian ng Kamara at Senado, at titiyakin na ang mandato at awtoridad na iginawad sa mga mambabatas ay hindi mahahadlangan.

READ MORE:  Antipolo police nainsekyur ba kay Olan Bola?

Unobstructed, sabi ni Congressman Fariñas.

Kung may sariling police o PLP ang Kamara, magiging madali na raw ang paghahain ng subpoena, summon at arrest warrant sa mga nais nilang gipitin ‘este’ nais padalhan.

‘Yang PLP o legislative police ‘daw’ ang ma-giging mukha ng kapangyarihan nilang mga mambabatas para mabilis na maipatupad ang kanilang mga responsibilidad.

‘Yang lagay na ‘yan ay hindi pa pala ramdam ni manong Rudy ang ‘power’ nilang mga mambabatas?!

READ MORE:  Rene Villa ng LWUA kung may delicadeza ka mag-resign ka na!

Ibig sabihin ba niyan, hindi siya bilib sa mga mamamayang naghalal sa mga mambabatas?

O talagang hindi mulat si Rep. Fariñas na ang trabaho nila ay gumawa o mag-amyenda ng mga batas?

Hindi po kayo mga war lord, Congressman Fariñas!

Paalala lang po ‘yan.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap





COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved