Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Pilot episode ng The Good Son, pinapurihan
Pilot episode ng The Good Son, pinapurihan

Pilot episode ng The Good Son, pinapurihan

GRABE, inabangan ng netizens ang The Good Son noong Lunes at dahil advance ang deadline namin dito sa Hataw kaya hindi namin alam kung ano ang ratings na nakuha ng bagong programa ng Dreamscape Entertainment na pinagbibidahan nina Joshua Garcia, Nash Aguas, Mckoy de Leon, at Jerome Ponce kasama rin sina Eula Valdez, Liza Lorena, Mylene Dizon, Louise de los Reyes, Alexa Ilacad, Loisa Andalio, Jeric Raval, Kathleen Hermosa, Ronnie Lazaro, John Estrada, at special participation ni Albert Martinez.

A post shared by Alexa Ilacad (@alexailacad) on




A post shared by Mylene Dizon (@missmylenedizon) on




Habang tinitipa namin ang balitang ito Ateng Maricris ay naririnig naming kanya-kanyang hula kung sino ang lumason kay Victor (Albert) at nabanggit nga ang anak nito kay Raquel (Mylene) na si Joseph (Joshua), si Matias (Ronnie), at Obet (Mckoy) dahil nga sa bahay nila inabot ng kamatayan.

Pero posibleng unti-unti nang nilalason si Albert at isa rin sa suspect ang kapatid nitong abogado na si Anthony (John) dahil sa inggit at gusto nitong pamahalaan ang kompanya Buenavidez na pinaglilingkuran din niya.

A post shared by eulavaldes (@eulavaldes) on



A post shared by Roma Mactal (@bangkizroma05_) on



Oo nga, sounds interesting ‘di ba Ateng Maricris kasi imposibleng ang mga anak ni Albert (Victor) na sina Calvin (Nash) at Enzo (Jerome) ang lumason sa ama nila at higit sa lahat binanggit ang mga pangalan nila maliban kay John (Anthony).

Pilot episode pa lang nakakuha na kaagad ng papuri ang buong cast, eh, paano pa ang mga susunod na araw, mukhang aabutin ito ng isang taon, he, he, he.

Ang The Good Son ay mula sa direksiyon nina Andoy Ranay at Emmanuel ‘Manny’ Palo.

Sylvia, itinanghal
na Teleserye
Actress of the Year
sa Pep List Year 4

Ang pagkatiwalaan ako sa role na Gloria ay malaking karangalan na at ang mapansin ninyong lahat ang pinagpaguran ko ay sobra pong nakakataba ng puso😀❤️😀 #kapamilya maraming, maraming salamat po sa inyong lahat😀 to my #abscbn #gmounit #tglfamily para sa ating lahat to👏👏👏salamat sa inyong lahat💋❤️💋 Sayo art at sa mga anak ko, salamat sa walang sawang pag iintindi pagmamahal at suporta😀 kayo ang inspirasyon ko💋❤️💋 love you my fambam😀 Panginoong JESUS wala kang sawa sa pagbibigay sa akin ng mga surpresa mo😀 binabalik ko po sayo ang papuri🙏🙏🙏 maraming, maraming salamat po!! #teleseryeActressOfTheYear #peplistyear4 #family #happiness #blessed #treasures #priceless #beautedermskinhauz #beautedermphilippines #beautedermambassadress #thankuLORD Have a blessed day!! @sylvianiansglobal @sylvianians_memes @ataydefamily @sylvianiansangels Yahoooooo🙏❤️🙏

A post shared by Jojo Atayde (@sylviasanchez_a) on



“ANG pagkatiwalaan ako sa role na Gloria ay malaking karangalan na at ang mapansin ninyong lahat ang pinagpaguran ko ay sobra pong nakatataba ng puso.#kapamilya maraming, maraming salamat po sa inyong lahat to my #abscbn #gmounit #tglfamily para sa ating lahat to salamat sa inyong lahat.

READ MORE:  Yaya Dub, 1 week pa lang lumalabas sa EB, super sikat na agad

“Sa’yo Art(Atayde) at sa mga anak ko, salamat sa walang sawang pag-iintindi, pagmamahal, at suporta kayo ang inspirasyon ko love you my fambam. Panginoong JESUS wala kang sawa sa pagbibigay sa akin ng mga sorpresa mo binabalik ko po sa’yo ang papuri maraming, maraming salamat po!! #teleseryeActressOfTheYear( #peplistyear4 (#family #happiness  #blessed # treasures #priceless#beautedermskin hauz #beautedermphilippines  #beautedermambassadress  (#thankuLORD Have a dblessed day!!( @sylvianiansglobal @sylvianians_memes @ataydefamily @sylvianiansangels( Yahoooooo,” ang post ni Sylvia Sanchez sa kanyang social media account sa award na tinanggap bilang Teleserye Actress of the Year para sa programang The Greatest Love mula sa Pep List Year 4.

Base sa report ng PEP, itinanghal si Ibyang sa The PEP LIST Year 4 Editors’ Choice for Teleserye Actress of the Year.

Nakatunggali ng aktres sa parehong kategorya sina Glaiza de Castro (Encantadia), Julia Montes (Doble Kara), Lovi Poe (Someone To Watch Over Me), at Regine Velasquez (Poor Señorita).

Personal na iniabot ng PEP Editorial team kay Ibyang ang plaque nito sa set ng bago nitong teleserye sa ABS-CBN sa location nito sa Bacoor, Cavite na ikinagulat ng aktres.

Pahayag ng aktres sa mga taga-PEP, ”alam ninyo po, masarap ‘yung pakiramdam na mapansin kami, ‘yung hirap namin, ‘yung hirap ko bilang si Gloria, masarap sa pakiramdam.” At sabay taas ng plaque. ”Pero ito, mas masarap po ito, bonus din po ito! Kaya maraming-maraming salamat sa lahat ng naniniwala sa pag-portray ko bilang Gloria.”

Sabi pa, ”ito po ngayong bago kong gagawin, I’ll make sure na talagang kung nagampanan kong mabuti si Gloria, rito, sisiguraduhin kong magagampanan ko rin ito uli. Congratulations sa lahat ng staff, director, sa lahat ng GMO unit, ABS-CBN, atin ito. Thank you po.”

READ MORE:  Joseph Marco, malakas ang dating sa opposite sex!

Bukod sa best actress ay nakamit din ng The Greatest Love ang Editors’ Choice for Daytime Series of the Year award.

Tinalo ng TGL ang mga programang Doble Kara (ABS-CBN), Sinungaling Mong Puso (GMA-7), The Millionaire’s Wife (GMA-7), at Tubig at Langis (ABS-CBN).

Ang executive producer ng TGL na si Ms. Marielle de Guzman-Navarro ang tumanggap ng award.

Aniya, ”after siguro ng five months na nakalipas, hanggang ngayon, nakakatanggap pa rin kami ng awards. Sobra siyang overwhelming, so thank you to everyone, ‘yun lang po.”

Dagdag naman ni Sylvia, ”basta ako, isa lang masasabi ko, ibang klase ka, Gloria.

“Malaki ang binago mo sa buhay ko, and salamat, Gloria Alcantara.”

Nanalo rin si Dimples Romana bilang Teleserye Supporting Actress of the Yearsa napakahusay nitong pagganap bilang anak na pasaway na si Amanda sa The Greatest Love.

Ang ganda ng taong 2017 kay Ibyang dahil sunod-sunod ang blessings, awards, at projects na dumating sa kanya kaya naman abot-abot ang pasalamat niya sa Panginoong Diyos.

Oo nga, sa tanda namin ay napasama si Ibyang sa Kapamilya: Deal or No Dealnitong early part ng 2017 at umere ang The Greatest Love, nag-guest sa La Luna Sangre, katatapos lang i-shoot ang indie film na ‘Nay mula sa Cinema One Originals na nakatakdang ipalabas ngayong Nobyembre, Mama’s Girl mula saRegal Entertainment, at heto nagte-taping para sa seryeng kasama ang anak na si Arjo Atayde.

Kim at Gerald,
naghiwalay na naman

A post shared by Dreamscape PH (@dreamscapeph) on



CRYING in the rain ang drama nina Kim Chiu at Gerald Anderson bilang sina Bianca at Gabriel sa episode ng Ikaw Lang ang Iibigin nitong Lunes dahil kinailangan na nilang maghiwalay para sa ikatatamik nilang pareho.

Parehong kumukulo ang dugo sa isa’t isa nina Bianca (Kim) at Rigor (Daniel Fernando) dahil naniniwala ang una na may kinalaman ang huli sa pagkamatay ng inang si Maila (Bing Loyzaga).

Gayundin si Gabriel (Gerald) na galit na galit sa kinikilalang amang si Rigor (Daniel) dahil sa paniniwalang pinatay nito ang kinikilalang inang si Victoria (Ayen Munji-Laurel).

At dahil litong-lito na si Carlos (Jake Cuenca) ay kinailangan na nitong maglabas ng bigat ng dibdib kaya naipagtapat niya sa babaeng may gusto sa kanya na si Isabel (Coleen Garcia) na si Rigor (Daniel) ang tunay niyang ama at may kinalaman sila sa pagkamatay ni Maila (Bing).

READ MORE:  Bliss ni Iza, na-X sa MTRCB

Kaya huwag na huwag aawayin o pagdiskitahan ni Carlos (Jake) si Isabel (Coleen) dahil baka mapundi o madulas ito at ibulgar ang lihim nito.

Samantala, pinaiimbestigahan na ni Roman (Michael de Mesa) sa mga pulis si Rigor (Daniel) dahil naniniwala siyang may kinalaman ito sa pagkamatay at pagkapilay ni Maila (Bing).

Ang tanong sino ang tumulak naman kay Victoria (Ayen) para tuluyan siyang mahulog sa building at mamatay?

At si Arci Munoz kaya ang magiging ka-love triangle nina Gabriel (Gerald) at Bianca (Kim) dahil magiging boss ng binata ang sexy actress?

Anyway, abangan ang mga revelation sa Ikaw Lang Ang Iibigin bago mag-It’s Showtime mula sa Dreamscape Entertainment at sina Onat Diaz at Dan Villegas naman ang direktor.

Kuya Boy, wala
pang planong
magretiro

SA tagal at rami na ng naiambag sa showbiz industry ni Boy Abunda bilang TV host, talent manager, at public speaker, wala pa siyang planong magretiro.

“Wala pa, pero may mga pagkakataong I’m asking myself kung kailan kaya ako makakapagbakasyon ng isang buwan na diretso. But I can’t complain because I’m so blessed, ABS-CBN has treated me so well all these years and I can’t complain.

“Nakakapagod ang aking trabaho, ibang pagod ito, eh. But compared to the pagod to the blessings, ang layo that’s why I’m eternally grateful all the blessings and I don’t think I will ever retire, pero I wanna take a break, when, I don’t know. I will listen to the whisper,” paliwanag ng King of Talk.

Nakausap namin ang TV host sa It’s Like This book launching niya noong Linggo sa Shangrila Plaza Mall na dinaluhan ng mga kaibigan niya sa showbiz at outside showbiz at mga talent tulad nina Sitti, Gelli de Belen, at Bianca Gonzales-Intal na naging host sa event.

Masarap at madaling basahin ang It’s Like This book ni Kuya Boy dahil ikinuwento nito ang buong buhay niya kung paano niya nalampasan ang hirap at narating ang kinalalagyan niya ngayon na ang tanging inspirasyon ay ang kanyang ina.

Mabibili ang It’s Like This book sa lahat ng National Book Store at Power Books sa halagang P275 mula sa ABS-CBN Publishing.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan



COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved