Tuesday , November 13 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Bulakbol na estudyante bawal na sa Ilagan, Isabela
Bulakbol na estudyante bawal na sa Ilagan, Isabela

Bulakbol na estudyante bawal na sa Ilagan, Isabela

WALA naman tayong tutol sa ordinansang ipinatutupad ng Ilagan City sa Isabela hinggil sa pagbabawal sa mga estudyante na magbulakbol.

Gusto natin ‘yan.

At sana, ganyan din ang gawin sa iba pang siyudad o munisipalidad lalo sa Metro Manila.

At isa sa epektibong deterrent niyan ay tapatan ng kaparusahan ang mga lalabag na kabataan.

Pero hindi lang dapat ang mga estudyanteng bulakbol ang patawan ng parusa.

READ MORE:  DoJ officials nakinabang talaga sa Bilibid Drug Ring?!

Isama na rin ang mga magulang at ang mga establisyementong pinagtatambayan ng mga bulakbol, gaya ng mall, sinehan, mga bilyaran sa university belt lalo na ‘yung mga carinderia cum inuman.

Sa Sampaloc university belt, sudsurin lang po ninyo, sandamakmak ang mga bilyaran diyan na itinatabi pa mismo sa malalaking unibersidad.

Mga carinderia na may student meal kunwari pero nagsisilbi rin ng gin, red horse at iba pang inuming nakalalasing.

READ MORE:  Maraming salamat sa mga naghihikayat na tumakbo ang inyong lingkod bilang presidente ng NPC

Sa Intramuros, ipinapraktis ng engineering students ang kanilang kasanayan sa pagsukat sa pamamagitan ng pag-eskuwala sa billiard table para siguradong tumbok ang bola.

Ang daming magulang ang umiiyak sa mahal ng tuition fee, pero ang mga anak pala ay puro bulakbol lang.

READ MORE:  Maraming nabanas kay SPO3 Lascañas

Imbes, legislative police ang pinag-iiisip nitong si congressman Rodolfo Fariñas ‘yan ang gawin nilang batas para mabawasan ang mga bulakbol at iskul bukol na estudyante.

Wanna try, Manong Rudy?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap





COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved